NAPATIIM si Carmina. Hindi pa rin siya papayag. "Mama, ako pa rin ang masusunod. Ako ang asawa ni Rigor. Wala ring mangyayari sa annulment kung hindi ko siya pipirmahan..." Napailing si Rigor. "Anuman ang gawin mo, Pearl. Huwag mong pirmahan. Kaya kong gawan ng paraan!" "Mama, tingnan niyo ang ugali ng anak mo. Ganoon na lamang sa kanya ang pinagsamahan naming dalawa." Napatingin si Carmina kay Rigor. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya sa narinig mula sa anak. "Rigor, hindi kita pinalaki para basta na lang talikuran ang asawa mo," mariing sabi ni Carmina. "Ma, hindi ko siya tinatalikuran. Gusto ko lang nang tapusin ang relasyon namin. Matagal na kaming hindi masaya." "At dahil hindi ka masaya, iiwan mo na lang si Pearl?" singhal ng ina. "Hindi ganoon kadali ang kasal, Rigor." Napatawa nang mapait si Rigor. "Alam ko, Ma. Kaya nga gusto kong maayos naming tapusin ito. Mas maganda iyon para pareho kaming matahimik." "Pero ayoko!" Madiing sigaw ni Donya Carmina. Napatingin
Leer más