DINALA agad ni Rigor si Carla sa ospital. Dinugo na ang kanyang nobya matapos itong mapaupo nang malakas sa semento.Sobrang nag-alala si Rigor sa buhay ng kanyang mag-ina.Nakahiga na ngayon si Carla sa hospital bed.Nakaupo naman si Rigor sa tabi niya at mahigpit na hawak ang kamay nito."Carla..." mahina niyang tawag.Dahan-dahang iminulat ng dalaga ang mga mata."Rigor...""Nandito lang ako," sagot ng binata.Napatingin si Carla sa lalaki. "Kumusta ang baby?"Hindi agad nakasagot si Rigor."Darating na ang doctor. Hihintayin natin ang resulta."Nangingilid ang luha ni Carla. Agad siyang nilapitan ng nobyo at niyakap."Rigor, natatakot ako," sabi ni Carla."Hiwag kang matakot, baby. I'm here for you and for our baby..."Marahan niyang hinaplos ang kamay nito."Hindi kita iiwan, kayong dalawa."Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Tumayo agad si Rigor."Doctor, kumusta po siya? Kumusta ang baby?""Mr. Angeles, kailangan muna naming bantayan si Miss Carla.""M
Leer más