"PERO sana huwag mo akong layuan, Carla..." nakikiusap ang mga mata ni Rigor na nakatingin sa nobya.Hindi umimik si Carla."Tatanggapin ko ang parusa mo. Huwag mong iisipin na ginawa kong maglihim sa'yo para lokohin ka o saktan ka. I'm sorry, baby. I'm really sorry..." dagdag pa ni Rigor.Napabuntong-hininga si Carla. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala agad sa mga sinasabi nito."Rigor, hindi ko alam kung kaya kong kalimutan agad ang ginawa mo.""Hindi ko hinihingi na kalimutan mo agad.""Nasaktan ako.""Alam ko.""Nawalan ako ng tiwala sa'yo, Rigor."Napayuko ang binata.Sandaling natahimik si Carla bago siya muling nagsalita."Kung gusto mong manatili ako sa tabi mo, kailangan mong ayusin ang lahat. Hindi lang para sa akin. Para sa sarili mo rin."Tumango si Rigor."Gagawin ko.""Kapag sinabi mong tapos na kayo ni Pearl, gusto kong siguradong tapos na talaga. Ayoko na may taong humuhusga ng pagkatao ko dahil sa relasyon natin."Promise. Wala na akong itatago sa'yo."Tini
Leer más