"PERO asawa mo pa rin siya, Rigor.""Oo. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan kong bumalik sa kanya.""Sigurado ka?"Tinitigan siya ni Rigor."Sigurado ako sa iyo, Carla. Saka may anak na tayo. Ako, ikaw at ang magiging anak lamang natin ang dapat na isipin mo."Natahimik ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit kinakabahan siya, nakatulong ang mga salitang iyon para kahit kaunti ay mabawasan ang kanyang pangamba.Maya-maya, tuluyan nang pumasok sa driveway ng mansyon ang sasakyan. Pagkababa nila, agad na inalalayan ni Rigor si Carla."Maingat lang.""Rigor, kaya ko.""Alam ko. Pero buntis ka."Napangiti nang bahagya si Carla."Overprotective ka na.""Simula nang malaman kong may anak tayo, wala na akong pakialam kung sabihin nilang sobra ako."Marahang napailing si Carla.Sabay silang naglakad papasok sa mansyon. Pagbukas ng pinto, agad na bumungad sa kanila ang maluwang na sala. Nakita ni Carla si Donya Carmina na nakatayo malapit sa sofa.Nang magtama ang kanilang mg
Read more