"MAMA, bakit ka pumayag na umalis si Loyalty sa bahay? Hindi pa siya nagbabayad ng para sa kuryente..." sabi ni Mariel sa ina. "Kilala ko si Loyalty, alam kong hindi iyon tatalikod sa responsibilidad niya sa atin. Isa pa, ang dinig ko ay malaki raw ang ipinadala niya sa Inay niya..." nakangiting saad ni Belen. Nagningning ang mga mata ni Mariel. "Kung ganoon, tiyak na hindi pipitsugin ang magiging trabaho niya." Tumango-tango si Belen sa tinuran ng anak. "Malay mo, sinuwerte talaga ang pinsan mo," dagdag pa niya habang nag-aayos ng mga plato sa maliit nilang kusina. Napakrus ng mga braso si Mariel. "Pero nakakapagtaka pa rin. Bigla-bigla siyang umalis tapos hindi man lang sinabi kung anong trabaho niya." "Basta ang importante, maayos siya," sagot ni Belen. Hindi napigilan ni Mariel ang mapasimangot. Noong tumira si Loyalty sa kanila sa Maynila, halos lahat ng gawaing-bahay ay ipinapasa nila rito. Kahit pagod galing trabaho ang dalaga noon ay hindi ito nagrereklamo. Pero ngayo
Baca selengkapnya