NAKAKULUMBABA si Kyle sa kanyang mesa, nakatukod ang dalawang siko habang nakatitig sa kawalan. Napaayos siya ng kanyang upo nang pumasok sa loob ng opisina niya ang kanyang sekretarya. “Sir, you have an appointment with your private doctor today at eleven o’clock in the morning,” sabi ng sekretarya niya. “Thank you for reminding me, Flora.” “You're welcome, sir.” Bahagya itong yumuko bago muling nagsalita. “Should I inform Miss Loyalty about the appointment?” Natigilan si Kyle. “Yes. Tell her to get ready. We’ll leave once she arrives.” “Alright, sir.” Pagkaalis ng sekretarya ay muling napasandal si Kyle sa kanyang upuan. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa appointment na iyon. Ilang araw na rin mula nang mag-negative ang pregnancy test ni Loyalty. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na normal lang iyon at kailangan lang nilang sumubok muli, hindi pa rin niya maalis ang panghihinayang. At higit sa lahat, hindi pa rin umuuwi si Felicity.
Read more