PILIT pinipigilan ni Loyalty ang kanyang mga luha. Kahit saan tingnan, talo siya. Siya man ang ina ng anak ni Kyle, bagama’t bilang surrogate lamang at isang buwan pa lamang siyang buntis, kabit pa rin ang madaling isipin at magiging tingin ng iba sa kanya. Kasalanan ba ang magmahal, o kahit mag-alay ng katawan para sa layunin, sa taong may asawa na? "Huwag mo munang isipin ang paparating, ang mahalaga ay magkasama tayo. may dalawang linggo pa tayo, Loyalty. let's not rush anything, let's just enjoy these quiet moments habang hindi pa dumarating ang lahat ng pagbabago at gulo." Mahigpit na hawak ni Kyle ang kamay niya, ang kanyang mga daliri ay marahang humahaplos dito na tila sinusubukang alisin ang bigat na dala ng kanyang dibdib. Nakaupo pa rin sila sa loob ng sasakyan, papalapit na sa malaking tarangkahan ng mansyon. Isang buwan pa lamang siyang buntis, at bilang surrogate, alam niyang limitado lamang ang kanyang pwesto sa buhay ng lalaking ito. Ngunit sa bawat salitang binibi
Read more