“SIYEMPRE, dahil mahal kita…” diretsong sagot ni Kyle. “Dahil ba talaga doon?” tanong ni Felicity. Hindi na niya maramdaman iyong sinasabi ni Kyle na mahal siya nito. Hindi niya sana nararamdaman iyon. Tila mayroong nagbago sa kanila. Natahimik si Kyle sa kabilang linya. “Ano bang ibig mong sabihin?” tanong nito matapos ang ilang segundo. Napapikit si Felicity habang mahigpit na hawak ang cellphone. Napapalayo na ang loob ni Kyle sa kanya. Dahil sa anak na hinahangad nilang mag-asawa. “Hindi ko alam, Kyle. Pero pakiramdam ko, habang tumatagal, mas lalo tayong nagkakalayo.” Dahil sa paghahangad nila na magkaroon ng anak ay siyang dalawa ang nasisira. Mahirap talagang masaya. Marami silang dapat na isakripisyo. “Hon, huwag mong sabihin iyan.” “Bakit hindi?” Napatawa siya nang mapait. “Dati kasi, kapag may problema ako, ikaw agad ang unang nakakaalam. Ngayon, hindi mo na man lang napapansin kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano ako nagseselos kay Loyalty.” “Nasasaktan din ako,
Baca selengkapnya