Alas-tres na ng madaling araw, ngunit para kay Corinne, tila huminto ang pag-ikot ng orasan sa loob ng kanyang maliit na kwarto.Nakatitig lamang siya sa puting kisame ng maid's quarters, balot na balot ng makapal na kumot, ngunit pinagpapawisan ang kanyang buong katawan. Nakabukas ang aircon, subalit walang kahit anong lamig ang makapapawi sa nag-aapoy na init na nagmumula sa kailaliman ng kanyang sistema.Pabaling-baling siya sa kama. Pumikit siya, pilit na tinatawag ang antok, ngunit sa tuwing isasara niya ang kanyang mga mata, isang pamilyar at nakakapapasong imahe ang bumubungad sa kanyang isipan.Ang matatalim at nagliliyab na abong mata ni Ethan. Ang matigas nitong dibdib na nakadiin sa kanya. Ang panginginig ng kanyang mga hita habang nakapatong sa dambuhalang mahogany desk. At ang halik... ang walang-awa, malalim, at nakakabaliw na halik na sumipsip sa lahat ng lakas at katinuan niya.Dahan-dahang inangat ni Corinne ang kanyang nanginginig na mga daliri at idinampi iyon sa ka
Magbasa pa