Umatras si Corinne, ang mga namumugto niyang mata ay nakatitig sa dambuhalang bilyonaryo na tila ba isang estranghero na ngayon lamang niya nakilala. Ang bawat hakbang niya palayo ay tila pagpunit sa natitirang hibla ng pag-asa sa kanyang dibdib."Rin, please. Let me explain properly," pakiusap ni Ethan, ang boses ay mababa at nagmamakaawa. Inilahad nito ang malaking palad, pilit na inaabot ang dalaga, ngunit pinalis iyon ni Corinne nang buong lakas."Wala nang dapat ipaliwanag, Ethan. Nakinig na ako sa'yo, at narinig ko na ang lahat ng kailangan kong marinig," malamig at nanginginig na sagot ni Corinne.Sa isip ng dalaga, isang matinding pagtatalo ang nagaganap. Naglalaban ang puso niyang patuloy na tumitibok para sa lalaki, at ang isip niyang pilit na isinisigaw ang malamig na reyalidad. Ginamit siya nito. Pinaglaruan. Ginawang pain at tau-tauhan sa isang malaking chessboard kung saan si Ethan at Arturo ang naglalaban, at siya ang premyong walang kalaban-laban.Akmang hahakbang muli
Read more