Tahimik akong nakikinig sa usapan ng pamilya ni Theo. They're talking about Veronica's family business. Hindi ko alam kung may kinalaman ba si Theo sa pagbagsak ng kumpanya ng pamilya ni Veronica kasabay ng pagkakakulong nito. It's been a week, nasa kulungan na sina Leon at Veronica. Hindi na ako nangingialam, pero sigurado akong si Theo ang nagpakulong sa kanila. Pero ang tungkol sa pagbagsak ng kompanya ng pamilya ni Veronica ay wala akong ideya."Okay ka lang?" Napalingon ako kay Shaina, ang pinsang babae ni Theo. "You look stressed and uninterested.""Okay lang, may iniisip lang," ngumiti ako at nilingon ang buong mesa. Lahat ng magpipinsan ay nandito, pati ang ibang mga tito at tita ni Theo ay nandito rin, si Lolo lang ang wala. Mas matanda lang ng tatlong taon sa akin si Shaina, habang halos ka-edad naman ni Theo ang iba. "Marami pa ba kayong pag-uusapan?""Ewan ko, bored na rin ako here," sabi niya at nilingon ang mga kamag-anak namin. "You want to go to the garden? Pahangin?"
اقرأ المزيد