Madaling-araw na nang makabalik kami sa Manila. Mas gumaan ang pakiramdam ko nang makauwi kami nang tuluyan, lalo na't ligtas kaming nakauwi at walang nangyaring kung ano. Ala-sais pa lang ng umaga, gising na ako para maghanda ng umagahan naming mag-asawa. Hindi na muna namin sinundo si Alessia sa magulang ni Theo dahil hindi pa kami nakakabawi ng maayos na tulog."Sa'n ka?" taka kong tanong agad kay Theo, kakatapos ko lang magluto. "You have work, 'ad?" gulat kong tanong.Tumango siya tsaka naglakad palapit sa 'kin. Naramdaman ko ang labi ni Theo sa noo ko. "Rush ba?"Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi malungkot. We're back to reality again."Yes, Darling. May emergency lang sa hospital kaya kailangan ko agad pumunta," paliwanag niya at yumapos sa 'kin. "Pero once I am done, uuwi agad ako, okay? Lalabas tayo ng anak natin. We are going to have dinner outside, understood?""Sige," sagot ko at yumakap sa kanya. "Ingat ka, hubby.""I love you, wife.""I love you too... Balik kang
Read more