SIMULA nang mangyari ang matinding komprontasyon nila ni Belle, halos hindi na muling lumabas ng mansion si Cyzrie. Madalas itong manatili lamang sa kwarto, tahimik na nakatanaw sa bintana habang hinihimas ang bahagyang umbok ng tiyan niya. Kahit pilit siyang pinapalakas ng mga kasambahay at ng mga taong nasa paligid niya, ramdam pa rin ang pagbabago sa kanya.At higit sa lahat… napapansin niyang parang may nagbago rin kay Luiz.Hindi na ito ganoon kadalas ngumiti. Madalas tahimik. Parang may malalim na iniisip na hindi nito masabi. Kaya nang dumating ang araw na kailangan nitong umalis papuntang ibang bansa para sa isang importanteng business matter, pilit lamang ngumiti si Cyzrie habang inihahatid ito sa airport.“Mag iingat ka,” mahina ngunit maayos niyang saad.Sandaling tumitig si Luiz sa kanya bago ito humawak sa balikat niya. “Ikaw din. Huwag kang magpapagod.”Iyon lang.Walang lambing. Walang dagdag na salita.At habang papalayo si Luiz, hindi maalis sa isip ni Cyzrie ang mabi
Read more