CYZRIE POVNAGISING ako na katabi si Luiz. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napapikit ako nang mariin, bago pa siya magising. Dahan-dahan akong bumangon at lumayo sa tabi niya, sumulyap pa ako sa kanya.“Mali ito,” nanghihinang wika ko.Nagmamadali akong umalis ng kwarto at naki-CR na lamang sa kapwa ko katulong, doon na rin ako nagbihis. Balisa ako habang nagtatrabaho at pinagsisisihan ang nangyari—maaaring magdulot ito ng gulo kapag may nakaalam.“Ayos ka lang ba, ineng? Kanina ka pa balisa d’yan,” tanong ni Nay Vivian.“Ah, opo… hindi lang po ako nakatulog nang maayos kagabi,” palusot ko at pilit na ngumiti.Inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng mga baso nang pumasok si Lila.“Si Sir nagpapahanda na ng mainit na kape, Nay Vivian, at mukhang bad mood,” pabulong na sabi nito.“Hindi pa kayo sanay na laging nakasimangot ‘yan,” natatawang sagot ni Nay Vivian. “Oh heto, Cyzrie, ikaw na maghatid—baka masobrahan na sa kinang yang mga baso.”Natigilan ako nang ako pa ang nautu
Last Updated : 2026-05-04 Read more