“Acting strong? Don’t fool Luiz,” mayabang na wika ni Belle habang nakataas ang baba at puno ng panghahamak ang tingin kay Cyzrie. “Hindi pa tayo tapos.”Saglit na natigilan si Cyzrie matapos marinig iyon. Sa unang pagkakataon ay tila nakaganti siya kay Belle, tila naiparamdam niyang hindi siya basta-bastang kayang tapak-tapakan. Ngunit kasabay ng munting tagumpay na iyon ay ang mabigat na takot na unti-unting gumapang sa kanyang dibdib.Kilala niya si Belle—mapera, makapangyarihan, at sanay makuha ang lahat ng gusto nito. Hindi niya alam kung hanggang saan kayang gawin ng babae para lamang maalis siya sa buhay ni Luiz.Dahan-dahang napahawak si Cyzrie sa kanyang tiyan, tila ba awtomatikong pinoprotektahan ang batang nasa sinapupunan niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang sari-saring posibilidad ang pumasok sa kanyang isip. Hindi na lamang sarili niya ang kailangan niyang isipin ngayon.Ngunit kahit natatakot, pilit niyang itinuwid ang kanyang likod at tinaasan ang tin
Read more