"Honey, hindi mo masisi ri Rex dahil kahit ako ay nag seselos." Umusli ang nguso ni Cheryl na para bang nagtatampo.Napabuga ng hangin sa bibig si Edlyn upang ipakita kay Rex kuno na naiinis siya dahil sa inakto nito. Mula sa isang sulok ng mga mata niya ay kita niya ang pag ngisi ni Josephine. "Sorry, babe, sobrang mahal lang kita at ayaw kong may ibang lalaki na lumalapit sa iyo." Mukhang natatakot si Rex na magalit ang dalaga.Lumabi si Edlyn at hindi sinagot si Rex upang ipakita sa kahat na naiinis pa rin siya kay Rex."Edlyn, normal lang sa lalaki ang mag selos at ma insecure kaya intindihin mo na lang si Rex." Tonong nanenermon na turan ni Josephine.Inirapan ni Edlyn si Josephine. Hindi kasii ito kasama sa dapat ay pakitaan niya ng kabaitan. "Mom, huwag niyo pong pagsalitaan ng ganyan si Edlyn." Sita ni Darel sa ina.Hindi napigilan ni Edlyn ang pag humulma ng ngiti sa labi niya at amused na pinag lipat lipat ang tingin sa mga nagtatalo dahil sa kaniya. Kung sa ibang pagkaka
Read more