"It's all settled, then, sunod ko ng asikasuhin ang inyong kasal sa ibang bansa." Pagsabi niyon ay tumayo na si Anton saka nakipag kamay sa dalawa. Saka niya lang nakilala ang nobya ni Rex. Hanga siya sa babae, ang lawak ng unawa nito sitwasyon ni Rex at hindi manlang tumutol sa naging desisyon ng binata. Mukhang suportado pa nito ang lahat."Thank you po, Attorney, ingat po kayo sa pag uwi!" Nakangiting tinanggap ni Edlyn ang pakipag kamay ng ginoo.Nang wala na ang abogado ay walang paalam da tatlo na tumalikod si Rex at inalalayan si Edlyn sa pag akyat sa hagdan. Gusto niyang ipakita kung saan ang silid niya at maging silid ni Grace kapag ikinasal na sila.Inis at nagbabaga ang mga mata ni Grace na nakasunod sa nakatalikod ng dalawa. Kung nakakapaso lang ang tingin niya ay tiyakin niyang masunog ang babaing kaagaw kay Rex."Relax, marami ang maaring mangyari sa loob ng dalawang taon kaya huwag ka nang mag selos diyan." Pang aalo ni Josephine kay Grace."Pero, tita, nakakapikon kung
Magbasa pa