PAGKARATING ni Camela sa Manila ay dumiritso na siya sa isang maliit na hotel. Ang yaman ng amo niya pero kuripot. Mahal pa para rito ang nakuha nitong hotel kung saan siya pansamantalang tutuloy habang naghahanap ng maayos na apartment. Ang dami niyang kailangang gawin at halos wala na siyang pahinga. "Camela, ikaw ba iyan?"Napalingon siya at kinilala ang babaeng tumawag sa kaniyang pangalan. Naroon siya ngayon sa supermarket at namili ng makain."Ikaw nga, Camela! Ano ang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing?" Napailing si Camela dahil sa sunod-sunod na tanong ng babaeng kaharap. Natandaan niya ito, ang isa sa katulong sa bahay ng abuela. Kung minamalas nga naman, sa daming taong makita ay ang related sa pamilyang iniiwasan pa."Hija, alam mo bang matagal ka nang pinahahanap ng lola mo?" Naghalo ang saya at lungkot na nadarama ng ginang habang pinagmamasdan ang dalaga.Napataas ang kilay ni Camela sa narinig. Siya pinahahanap ng matandang ayaw sa kaniya? "I
Dernière mise à jour : 2026-05-06 Read More