"Sorry, Mr. Rex, mali ang balitang nakarating sa amin kaya nagkaroon kami ng doubt sa kakayahan mo." Mapagkumbaba na ani Lacosta.Huminga nang malalim si Rex at tumingin sa ginang. "Ugaliin po nating alamin kung totoo ang naririnig lalo na kung walang patunay."Napahiya si Lacosta sa binata at inamin ang pagkakamali. Matanda na siya pero nasahigan pa ng mas bata sa kaniya."Negosyante rin ako at hindi marating ang kinaroonan ng kompanya ko ngayon kung ang pagpili sa kososyo ay dahil sa pagkakaibigan lamang. I have a standard at mas mahalaga sa akin ang quality na ikabubuti ng lahat over family or friendship." Seryusong turan ni Rashed."At ipinagkatiwala ko ang aking anak sa kaniya hindi dahil sa kompanya o ano pa mang material na bagay, kundi dahil sa nakikita kong responsible si Rex. Alam ko na may isa siyang salita, may panindigan, magalang at may takot sa diyos. Hindi rin siya mapanlinlang at fair pag dating sa trabaho." Puri ni Darwin sa binata."Will vote for Mr. Rex to be an of
Leer más