Mom, dad tatlong buwan ng buntis si Sanjela at ako ang ama kaya wala na kayong magagawa pa. Apo ninyo ang nasa sinapupunan niya, dugo at laman ko.“My God Axel pinapaaral pa kita sa maynila para magkaroon naman ng sosyalismo iyang kukute mo. Tapos ngayon malalaman naming magpapakasal ka lang sa isang mahirap at wala pang kaalam alam sa sosyalismo ang mga magulang. Puro hayop at sakahan lang naman ang inaatupag ng mga hampaslupa na iyon,”sabi ng aking ina. Nakita kong nagsiunahan na ang mga luha ni Sanjela. Kaya hinawakan ko siya ng mahigpit at pinapahiwatig na narito lang ako sa tabi niya.“Ako ang nagluwal sa'yo dito sa mundo na ito Axel kaya dapat ako ang masusunod at dapat ako ang pumili ng mapapangasawa mo. Ricardo wala ka man lang bang sasabihin sa ginawa ng anak mo? Isa ka pa Ricardo nakatago sa palda ng asawa,”“Agnes nariyan na yan kaya tanggapin nalang natin. Kung talagang nagmamahalan sila ng anak natin eh wala na tayong magagawa. Kung hindi natin iyan tatanggapin masisira
Last Updated : 2026-05-06 Read more