LOGINKinabukasan nagising si Sanjela na bumungad ang isang masamang balita. Pinuntahan siya ng kanilang kapitbahay para ibalita na nabaril ng mga tauhan ni governor ang kanyang ama dahil nanlaban ito. Nalaman kasi ng ama niyang si Felipe na pag-aari na ni governor Santos ang buong kabuuan ng kanilang lupain. Na stroke naman ang kanyang ina at dinala daw ito sa hospital pero hindi na naagapan pa.
Nang marinig ni Sanjela ang balita muli na naman siyang nawalan ng malay. Hindi man lang niya nalaman ang pagkawala din ng kanyang tatlong sanggol. Pagkalipas ng tatlong araw muling nagising si Sanjela mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ramdam parin niya ang sakit sa pagkawala ng mga magulang. Nilibing ang mga ito na wala man lang siya. Hinanap niya kaagad sa nurse ang kanyang mga sanggol. Umaasa na sa pamamagitan ng mga ito mapapawi ang kanyang kalungkutan sa labis na pangungulila sa mga magulang. Pero hindi parin umaayon sa kanya ang tadhana. Nalaman niyang may kumuha sa kanyang mga anak. Isa lang ang tinutumbok ng kanyang utak. Kinuha ng kanyang mga beyanan ang mga bata. Nais nitong ilayo sa kanya ang mga ito para tuluyang lisanin na niya ang Santos Mansion. Wala sa wisyo suot ang hospital gown at walang sapin sa paa na naglalakad palabas ng hospital si Sanjela. Nakita siya ng isang doctora sa ganung kalagayan kaya sinuutan siya ng mahabang t-shirt. Inutos sa driver nito na ihatid siya sa bahay nila. Bumaba si Sanjela sa sasakyan at pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Tahimik ang kabahayan at nakikita niya ang natutuyong dugo ng kanyang ama. Pasalampak siyang umupo sa lupa kung saan naroon ang natutuyong dugo ng kanyang ama. Dumapa siya na animo'y niyapos niya ang kanyang ama. “Papa, mama bakit ninyo ako iniwan? Patawarin ninyo ako, sana nga mapatawad ninyo ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Paapaaa, mamaaaa, ang laking tanga ko dahil ipinagpalit ko kayo sa maling tao. Kung hindi ako nagpakabulag sa aking pagmamahal sana ngayon kasama ko parin kayo. Masaya sana tayong magkasama kahit simply lang ang pamunuhay natin.” “Paaaaaaaa, maaaaaaa paano na ako mabubuhay ngayon na wala na kayo. Wala na rin ang tatlong anak ko paaaaaa, maaaaaaa. Sino nalang ang magbibigay lakas sa akin ngayon? Kanino ako kukuha ng lakas para maging matatag at muling lumaban sa mundo?" Buong lakas na sigaw ni Sanjela. Ang mga marites nilang kapitbahay ay matamang nakikiusyuso sa kanila. “Magpakatatag ka Sanjela kahit gaano kahirap kailangan mong lumaban sa mga pagsubok,”sabi ni manang nilda. Tumayo si Sanjela at pumasok sa kanilang bahay. Nagbihis siya ng damit dahil nais niyang puntahan ang bahay ng mga Santos para kuhanin ang kanyang mga anak. Sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa mansion. Kinalampag niya ang gate ng mansion at nakiusap sa guard na papasukin siya sa loob. Hindi siya pinapakinggan ng mga ito. Sa halip tinataboy siya at sinabihan na baliw. “Manong sabihin mo sa kanila na kahit isang bata lang ang ibigay sa akin tapos aalis na ako. Maawa naman po kayo oh, tatlong sanggol ang isinilang ko. Huwag nyo naman ipagkait sa akin ang kahit isa man lang sa kanila,"pakiusap ni Sanjela. “Manong wala na po ang mga magulang ko dahil pinatay na sila. Kung pati mga anak ko mawawala sino nalang po ang magbibigay lakas sa akin para mabuhay? Pakisabi po kay governor na kahit isang bata lang ang ibigay sa akin para may dahilan akong mabuhay,”patuloy niyang pakikiusap. “Sanjela hija, talagang wala dito ang anak mo. Sabi ng mga kasambahay nawawala daw ito sa nursery,”sabi ng guard. “Sinungaling! Manong nagsisinungaling lang po kayo. May mga anak din kayo at may mga magulang. Paano nalang po Kung sa inyo nangyayari ang nangyari sa akin ngayon kakayanin nyo po bang mabuhay? Sagutin mo ako manong kakayanin mo bang mabuhay? Sagot po! Huwag po kayong tumahimik lang dyan sa kinatatayuan ninyo. Manong, kakayanin mo bang mabuhayyyyyyyy????” malakas na sigaw ni Sanjela sa guard. Umiyak na rin ang gwardya dahil wala naman siyang magagawa. Hindi rin naman niya alam kung nasaan ang mga sanggol ni sanjela. “Kung may magagawa lang sana ako sa'yo Sanjela tutulungan kita. Pero isa lang akong tagapagbantay sa mansion na ito at wala akong alam sa mga kaganapan sa loob,”sabi ng guard. Nakasalampak na si Sanjela sa sahig habang nakasandal sa pader. Binigyan siya ng tubig ng guard pero hindi na niya ito tinanggap. Hapon na ng naisipan ni Sanjela na lisanin ang mansion. Binabaybay niya ang daan at walang insaktong direksyon kung saan siya patungo. Naroon ang nadadapa siya sa daan at naroon rin na kamuntik na siyang masasagasaan ng mga sasakyan. Nang dumaan siya sa isang tulay sa gilid ng dagat mataman siyang tumingin sa tubig. “Wala na akong mga magulang, nawalan na rin ako ng mga anak. Wala na rin ang taong ang akala ko ay minahal ako. Ano pa ba ang silbi ko para manatiling buhay kung ang buong pagkatao ko ay pinatay na nila. Kanino ako mananatili? Kung silang lahat naman ay itinataboy na ako. Wala nang silbi ang buhay ko, I am already a walking dead. Ang lahat ng mga pangarap ko ay nawala sa isang iglap lang. Natulog lang ako saglit, pagkagising ko iniwan na nila ako huhuhu,”namamaos na si Sanjela sa kakaiyak. Halos wala na siyang boses na mailalabas. Hija, tumayo ka dyan may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay mo. Halika sumama ka sa akin, hindi solution ang pagpapakamatay para iwasan ang problema. Motivate yourself ipunin mo ang lahat ng puot, hinagpis at sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi lang ang mga magagandang payo o salita ng pamilya mo ang makakapagbigay ng inspiration sa'yo. Hindi lang paalala o dasal nila ang makakapagbigay lakas sa'yo. Huwag kang manatili kung saan ka lang nadapa. Bawat pagkadapa mo ay magdulot ng enerhiya para magpatuloy ka. Kung gaano kasakit ang dala mo dyan sa puso mo ngayon gawin mong semento iyan para protection ang iyong puso. Sumakay kana hija dahil pagabi na. Wala sa wisyong sumakay si Sanjela sa sasakyan ng matandang babae. Hindi nagtagal narating nila ang simpleng bahay nito na bungalow type na bahay. Binigyan ng matanda si Sanjela damit para makaligo at makapagpalit ng kasuotan. Pinakain siya para makatulog na kaagad. Paano nga ba siya matutulog kung napakarami niyang iniisip. “Hindi ka makakatulog? Iniisip mo parin ang mga nangyayari sa'yo sa araw na ito?” Bakit po ninyo ako tinutulungan na hindi nyo naman ako kaanu-ano? “Ang pagtulong sa kapwa kailangan bang maging kamag-anak o kakilala Sanjela?” Nagulat si Sanjela sa kanyang narinig. Nagtataka siya kung bakit kilala siya nito. “Silly of you Sanjela Valdez! Nakita ko ang pangalan mo as top 1 na lesensyadong nurse ng Medina college. Ikaw ang girlfriend ng bunsong anak ni governor Santos. Narinig ko ang lahat ng mga hinaing mo. Huwag kang sumuko hija, huwag kang basta nalang manatili kung saan ka nadapa. Huwag kang magpalamon sa kumunoy, bumangon ka. Balikan mo silang lahat sa tamang panahon. Sa ngayon magpakalayo-layo ka muna. Iahon mo muna ang sarili mo bago mo hanapin ang anak mo. Naniniwala akong hindi nawawala ang anak mo. Makikita mo siya sa tamang panahon. Ang dapat mong gawin sa ngayon ay hilumin mo muna ang sugatan mong puso. May ibinigay akong address sa'yo sa maynila. Prosesuhin mo ang iyong pasaporte dalhin mo na rin ang mga credentials mo para makalipad kana papuntang Switzerland. Naroon ang pinsan ko nagtatrabaho sa isang hospital at siya ang tutulong sa'yo. Umiiyak si Sanjela sa sinabi ng babae. “Maraming salamat po sa kabutihan ninyo!” “Ako nga pala si Jackielyn Adriano,tawagin mo nalang akong tita Jackie,”pagpapakilala ng babae kay Sanjela. Maraming salamat Tita. Matulog kana para bukas na bukas din makuha mo ang mga kakailanganin mo sa bahay ninyo. Kailangan mong magpalakas Sanjela. Kakapanganak mo pa lamang kaya hindi ka pweding mabinat. May mga gamot akong hinanda para sa'yo inumin mo ang mga iyon pagkatapos mong kumain. Hindi mo kakayanin na labanan sila ngayon. Magtiis ka muna hanggang sa may sapat kanang lakas para makipag sagupaan sa mga nang-aapi sa'yo. Nakatulog nga si Sanjela dahil sa sobrang kapaguran. Pati sa kanyang panaginip naroon ang mga bangungot. Ang mga bangungot na hindi niya alam kung kailan mabubura sa kanyang isipan. Kinabukasan namilipit siya sa sakit ng kanyang ulo. Dala siguro ito ng kanyang walang humpay na pag-iyak kahapon. “Good morning Sanje, kumusta ang tulog mo hija?” Pati po sa pagtulog ko binabangungot parin po ako Tita Jackie. “Focus to your goal Sanje and always motivate yourself. Let your pain to be your strength to help you gain to your goal. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa iyong sarili hija tandaan mo yan,”sabi ni Jackie kay Sanjela. “Opo tita Jackie! Kayo po ang naging liwanag sa madilim kong landas. Babawi po ako sa inyo sa tamang panahon. Hindi ko po alam kung bakit pinagtagpo ang landas natin sa ganitong paraan. Pero sobra po akong nagpapasalamat dahil may isang ikaw na naging lagusan ko palabas mula sa kweba ng karimlan,”madamdaming saad ni Sanjela sa babae. O sige na tama na muna ang drama. Maghilamos kana para makakain kana ng iyong agahan...."Bago natin umpisahan ang pag-iisang dibdib nina Sanjela at Richmond Axel. Itatanong ko lang kung wala bang tumututol sa pag-iisang dibdib sa dalawang ito.Kung wala naman ang kasama ng panalangin ng ating panginoon ipagpatuloy natin ang serimonyas ng kasal,"sabi ng pari na magkakasal.May mangangahas pa bang humarang eh gobernadora ng bayan ang ikakasal. Don't worry mhie, laking takot lang nila sayo baka ibaon mong buhay."Tsee tumigil ka nga, baka may maglakas ng loob dahil marami ka naman na nilalandi Mr,"sagot ng aking asawa.Hahaha wala na nga akong nilalandi eh, wala ako sa katinuan noon kaya huwag mo ng ungkatin miss ko. Father ituloy nyo na po ang kasal namin. Wala na pong mangangahas na kalaban ang inang bayan ng region nine."Okay! Masusunod ang iyong utos amang bayan. In the name of the father to the son and of the holy spirit,"priest said."Amen!"Priest: Richmond Axel at Sanjela, maaari lamang na sagutin ninyo ang aking mga katanungan ng may buong katapatan.Priest: Sanje
Sanjela pov Hoy sino ka? Moment ko ngayon dai kaya huwag kanang umipal sa eksina. Hindi na ako papayag na may extra pa sa buhay ng asawa ko. Tumabi ka dyan dahil baka masipa pa kita. Walangya ginaya mo pa ang gown ko.Ano bingi ka ba at hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?“Hello ate Sanjela surprise! Relax po mukha ba akong kalaban?”Oh my goodness! Silly girl Ishani you prank me. Nakakainis ka talagang babae ka, akala ko ano na eh. Ako ko balakid na naman sa buhay ko eh, sorry.Agad naman niya akong nilapitan para yakapin. Kumusta kana huh? Kailan ka ba dumating?“Okay na po ako ate, kasama ko sina Doc JG at Doc Arzel. I miss you po and thank you so much for giving me a second life. Napaka swerti namin dahil ikaw ang naging doctor ko. And thank you for being your maid of honor.,”she said.Alam ko na kung sino ang may pakana nito. I mouthed thank you to my cousin Afsheen. And she thumbs up back. Masaya rin ako na nakilala at higit sa lahat nailigtas kita Ishani. You are a fighter
Ang alam ni Sanjela sa bahay nila nakituloy ang mga kamag-anakan at mga pinsan dahil may inihandang welcome pool party para sa mag-asawa ang Queen. Hindi niya alam na isa itong bridal shower. Nilagyan siya ng kunting make up ni Allen. At pinasuotan ng napakagandang night gown.May inarkilang banda at ang main singer ay si mareng Lessery. Sinabayan pa ito ng Aragon triplets sa pagkanta at ang Galanza triplets naman ay sa sayaw nagpakitang gilas. Napahiyaw ang lahat ng sumigaw ang twins ni Gian na hindi lang kain ang talent nila. Kinuha nila ang electric guitar at sabay na pinatunog. Ang akala ng lahat ay sila ang kakanta pero laking gulat ng lahat ng biglang lumitaw ang mga anak ni Afzal,Gian at Zykher na sina Caspian Art at Zachary Zaile, Gunner and Gabriel.“Go son, we are not only a war fighter we can fight the battlefield of music too,”Clea proudly shout.“Hon, huwag kang sumigaw baka kabahan pa ang anak natin at hindi makapag-focus,”awat ni Afzal sa kanyang asawa. “Tita Sanje and
Nanatili ng dalawang linggo ang mag-asawa sa EPI kasama ang kanilang mga anak at dalawang yaya. Masayang ginugol ang mga araw nila sa buong isla. Natuto ng magmaneho ng jet ski ang triplets at pati surfing ay kinarer na rin ng tatlo. Wala namang dapat ikabahala dahil may nagbabantay naman sa kanila. Pero hindi parin kampante si Axel, kapag nasa dagat ang mga anak naroon rin siya para pagmasdan ang mga ito. Nakuha naman ni Sanjela kung bakit naging protektado ang asawa. Ayaw lang nito na may masamang mangyari sa mga anak. Kaya kapag tapos na si Sanjela sa pag-asikaso sa kambal o tapos ng magluto sinasamahan niya ang asawa. Nangkukwentuhan habang nakatanaw sa mga anak na nag-e-enjoy sa kanilang ginagawa."Ang sarap sa pakiramdam na kompleto na tayo mhie. Sana hindi na tayo susubokin pa ng tadhana. Pero kung muli man tayong subokin huwag mo naman akong sukoan kaagad. Ipaglaban mo naman ako mhie, dahil hindi naman ako mukhang kalaban. Ang bait ko kaya na kapag ikaw ang kaharap wala na ako
Axel povPagkatapos ko siyang pumasan ng maligamgam na tubig, sinuotan ko siya ng kanyang night dress. Napasobra yata ako dahil sobrang namaga ang kanyang pagkab***e. “Ogag anong yata? Eh halos Di mo na tantanan ang asawa mo. Lagot ka nyan kapag nagising siya at umihi,”anas ng kabilang bahagi ng aking utak. F*ck kahit anong pikit ko hindi talaga ako dinalaw ng antok. Kaya heto ako ngayon ang ginawa ay nakatitig lang sa tulog kong asawa. Hinahawakan ang malambot niyang kamay at panaka-nakang hinahalikan. Ang ganda nya, lalo na at nag-matured na siya. Ang sarap pupugin ng halik kaso baka maisturbo ko ang tulog niya.Ang tagal niyang gumising, mukhang masasayang ang niluto kong breakfast. Kumain nalang ako dahil kumakalam na ang sikmura ko.Engineer Squad video calling....Haiisstttt mambubuska na naman ang mga salvaje.“Gising na ang bagong tuli,”umpisa ni Justine.F*ck you Araneta kailan ako naging supot hayop ka. Nagsitawanan ang lahat.“Hindi ka natulog noh? Mukhang nilumpo mo sa kum
“Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ka ba napapagod at babyahe pa tayo? My goodness dhie madaling araw na. Kung uuwi tayo ng Mindanao ay dapat naka domestic flight nalang tayo para makapagpahinga naman sa byahe. Ikaw pa talaga ang magmamaneho nitong helicopter. Baka may masamang mangyayari na naman sa atin sa kalagitnaan ng byahe,”panay reklamo ni Sanjela habang nakatayo sa gilid ng helicopter ni Axel na nasa rooftop lang ng bahay nila. Chini-check pa kasi ni Axel kung okay pa ba ang fuel ng chopper. Kailangan niyang siguradohin ang kaligtasan nila bago bumyahe patungo sa Engineer's Paradise Island. Ito ang surprisang matagal ng naghihintay para sa mahal na reyna ng tahanan na siyang iilaw at tatanglaw sa buong kabahayan. Alam na ng tropa ang kanyang plano kaya hinayaan na silang bumyahe. “Mhie, hindi ako nakakaramdam ng pagod at antok dahil kasama na kita. Sa mahabang panahon na namamahinga ang aking puso. Ngayon ay bumalik na ang dating sigla nito. Kaya huwag kang mag-alala, magugust







