Share

Betrayed Ex-wife Return
Betrayed Ex-wife Return
Author: Ayesha Emz

chapter 1

Author: Ayesha Emz
last update publish date: 2026-05-06 21:53:12

“Sanjela nariyan na naman ang pogi at mayaman mong manliligaw.”

Sabay nguso ng aking kaibigan na si Annaliza sa nakatayong lalaki sa gilid ng kanyang sasakyan. Nakakahiya talaga dahil kilala ang lalaking ito sa buong university na pinapasukan ko bilang nursing student.

Anak siya ni Governor Ricardo Santos ang mayamang politiko na may hawak ng buong balwarte ng Zamboanga del Sur. Dating Heneral ng 23rd Ready Reserve Infantry Division. Mabangis at walang kinatatakutan na kumokontrola sa buong balwarte na kanyang kinasasakupan. Walang takot na pinupuksa ang mga drugs syndicate at mga kawatan.

Pero bali-balita din na sapilitang bumibili ng mga lupain na kanyang nagugustuhan. Kapag ang lupain mo ang kanyang napupusuhan wala kanang magagawa kundi ang ibigay ito sa kanya sa halagang ibabayad niya. Hindi ka pweding mag-demand ng rate o kumuntra sa presyo niya.

Balita lang naman ang naririnig ko mula sa mga marites. Hindi ko alam kung sinisiraan lang nila ang gobernador para masira ang imahe nito.

“Hi baby!” Humalik pa siya sa nuo ko sabay abot sa'kin ng bulaklak na kanyang dala. Napalalim ang imahinasyon ko kaya hindi ko nalamayan na nakalapit na pala siya sa kinatatayuan namin ni Sarah. Ang babae naman ang halos mangisay-ngisay sa kilig.

O-oh h-hello! Nag-abala ka pa, salamat. Nahihiya kong sagot at pasalamat sa kanya.

“You're so cute! when you're blushing langga.” Liza just join us I will dropped you in your house too.

“Naku Sir Richmond hindi na kailangan. Ang kaibigan ko nalang ang isabay mo para tuluyan namang mabawasan ang kainosentihan niyan. Puro aral lang inaatupag niyan at takot magka-lovelife.”

Pinagsasabi mo?...siniko ko ang aking madaldal na kaibigan.

“Dont call me sir Liza just call me Richmond or Axel. Let's go baby, ihahatid na kita.”

“Go Sanje ajaaaa!!!!!”....nag-cheer pa ang bruha.

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan. Na parang nag-papakiramdaman muna kung sino ang unang magbubukas ng topic.

“Hmmm San-Axe!”......natigilan kaming pareho ng magkapanabay kami sa pagbigkas ng aming pangalan.

Ikaw na ang mauna, nahihiya kong sabi.

“No, ladies first kaya ikaw na muna ang mauna.”

Huwag mo na akong sunduin sa university. Ang mga kaklase at schoolmates ko kasi nagagalit na sila sa akin. Graduating student na ako, ayoko lang sinasabihan nila ako na kumakapit sa anak ng politiko o binabayaran mo ang school para maging Suma Cum Laude ako.

“What the hell are you talking about Sanjela Valdez? What do I care about your classmates and schoolmates? Why should I bother them if I didn't like them?  This is my life and I can do whatever I want. I love you and that's all I know.”

Napatulala akong nakatitig sa kanyang galit na mukha. Seryoso ba talaga siya? Hindi kami kasing yaman nila. May mga lupain naman ang papa ko na sagana sa niyogan at prutas. Ang ibang parte ay sakahan, palayan at pastol ng mga hayop. Pero hindi parin yon naka-kalahati sa kabuoan ng kanilang mga kayamanan.

“Why do you have to think other people? Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Ako ang magdidisisyon sa buhay ko. At nasa sa'yo na din yan Sanjela kung gugustuhin mo ba ako o tatanggapin mo ba ako dyan sa puso mo.

Why don't we try?  I will ask you a question. Do you love me or you still want to know me before you love me? Sanje, hindi pa ba sapat sa'yo ang ipinakita ko? Ilang buwan na rin kitang sinusuyo pero wala parin akong nakuhang sagot mula sa'yo. May pag-asa ba ako sa'yo?”

Ihinto mo nalang itong sasakyan malapit sa gate namin. Maraming salamat sa paghatid mo sa akin Axel. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Hinalikan ko siya sa kanyang labi bago ako bumaba. Nakita kong natulala siya sa aking ginawa kaya dali-dali akong bumaba ng kanyang sasakyan.

Bago ko buksan ang seradura ng aming gate tinawag pa niya ako.

“Sanje, what does that mean?”

Good night Axel, mag-iingat ka sa pagmaneho mo.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng aming bahay. Nakangiti pa ako sa aking ginawa, habang nakasandal sa pintuan. Nakakahiya pala na ako ang unang gumawa ng hakbang.

Naisipan ko na rin kasi na bigyan siya ng pagkakataon. Halos mag-pitong buwan na niya akong sinusuyo. Nakikita ko naman na sincere siya. Mayaman siya may hitsura dahil kastila ang mga ninuno ni Axel. Maraming naghahabol sa kanya pero pinagtyatyagaan parin niya ako. Araw-araw na may mga bulaklak at chocolates. Minsan na rin niyang kinakausap ang mga magulang ko.

Binalaan ako nina papa at mama na huwag magpadalos-dalos sa aking desisyon. Dahil mayaman at makapangyarihan ang kanilang pamilya. Isa pa natatakot si mama sa mga haka-haka tungkol sa pag-uugali ni Governor Ricardo Santos.

Axel calling....

Sasagutin ko ba ang tawag niya? Ginoo ko, nakakahiya.

May voice at sms message siyang pinadala. “Sanje, answer my call please.”

Axel calling.....

H-hello...“ thanks God at sinagot mo ang tawag ko. Nasa bahay na ako langga.”

Okay goodnight, matutulog na ako ng maaga dahil maaga pa akong gigising bukas.

“Wait sandali lang Sanje, ano ang ibig sabihin nung kanina?”

Ah w-wala, sige matulog kana.

“Humanda ka sa akin bukas sweetheart.”

Oh my goodness, kinakabahan ako sa aking ginawa. Paano ba kasi sagutin ang isang manliligaw? I admit mahal ko si Axel. Palagi na niyang ginugulo ang sestima ko. Bahala na nga.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil may practical kami ngayon sa university. Ma, aalis na ako sa canteen nalang ako mag-aalmusal baka kasi ma-late ako.

“Sige ikaw ang bahala pero huwag kang magpapagutom anak.”

Opo!

Paglabas ko ng gate nagulat pa ako sa aking nabungaran. Fresh at mukhang naligo ng perfume.

Bakit ang aga mo naman?

“Syempre inagahan ko kasi first day kong ihatid ang girlfriend ko.”

Namula na siguro ang mukha ko dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng tainga at pisngi ko.

Pinagbuksan pa niya ako ng pinto saka siya umikot sa driver seat. Ang sweet niya, mas lalong nakaka-inlove.

Bago niya pinaandar ang kotse lumingon muna siya sa akin.

“Sweetheart lunapit ka nga ng konti dito.”

Bakit?

Dali na...pagkalapit ko ay agad niya hinawakan ang batok ko at hinalikan sa labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya naitulak ko siya at lumingon sa paligid.

“What?”

What what ka dyan, paano kapag may nakakakitang marites sa atin na naghalikan tayo.

So?

Tara na nga, ang kulit mo naman eh....tinawanan lang niya ako pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.

Bigla na naman niyang hininto ang kotse sa lugar kung saan walang kabahayan.

Bakit ka huminto? Male-late na ako sa practical ko.

“Walang marites dito palangga, just give me a few minutes.”

Kinalas niya ang kanyang seatbelt at lumapit ng kunti sa inuupuan ko. Booommm hinalikan niya ulit ako, pero hindi ako tumugon dahil hindi ko alam kung paano gumanti ng halik.

“Sabayan mo ako Sanje, gayahin mo ang galaw ng mga labi ko. Napaungol ako ng ang isa niyang kamay ay pumasok sa loob ng aking uniform. Kahit nakakahiya ay sinubukan kong gayahin ang paghalik niya.

Hingal na hingal kaming pareho pagkatapos ng aming halikan.

“Fast learner sweetie, I love you Sanje. Your blushing sweetheart, gusto mo pa ba?”

Nahampas ko ang kanyang braso sa kanyang sinabi. Luko ka, male-late na po ako sabi eh. Tumawa naman siya ng malutong at muling pinaandar ang kotse.

“Anong oras ka matatapos?

Susunduin kita mamaya first date tayo.”

Text nalang kita kapag matatapos na kami.

“Okay don't forget, I'll wait your SMS then.”

Sige mag-iingat ka.

“Ooopppsss! You forget something sweetie.”

Tiningnan ko ang mga gamit ko, bitbit ko naman ang lahat kaya tumingin ako sa kanya.

“You forget my kiss!”

Sira, akala ko kung ano na ang nakalimutan ko. Nakakahiya baka may makakita.

“So, ikinakahiya mo pala ako.”

H-hindi naman sa ganun ayoko lang na ma-issue.

“I don't care about them, I just want your kiss sweetie.”

Napabuntong hininga ako sa kakulitan ni Axel. Kaya tumagilid ako para abutin ang kanyang pisngi. Pero ang kurimaw sinadyang lumingon para sa lips niya dumapo ang halik ko. Pilyo pang ngumiti sabay kindat.

“I love you Sanje!”

I love you too Axel....

“Oy dai ano ba yung nakita ko huh? Kayo na ba ni Mr. Gwapito? May pa chuchu pa kayong nalalaman huh.”

Sira ka talaga Annaliza Guba. At Oo beshie kami na, total graduating na ako at mukhang sincere naman siya sa panunuyo niya.

“Kung sa bagay nakita ko rin naman ang pagiging sinsero niya sa'yo. I'm happy for you beshh, mag-iingat ka lang dahil mukhang strict si Gov.”

Hindi naman si Gov ang jinojowa ko besh. Ang anak niya ang jowa ko kaya easy ka lang.

“Tanga pinapaalalahanan lang kita. Alam mo naman minsan sa mga drama at novela kontrabida ang mga parents lalo na kapag may power na hawak,”my friend said.

Ako rin naman ah may power na hawak.

Kili-kili power nga lang.

“Sira ka talaga babae ka. Nga pala huling thesis na natin next week kaya dapat galingan natin. Ay ako lang pala dahil ikaw inspired na kaya malamang perfect na score mo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 8

    Axel povMom, where is Sanjela? Kabuwanan na niya sa buwan na ito di ba? “A-e ano kasi hijo--Ang ano mom? Bakit ayaw ninyong makausap ko si Sanjela nitong mga nakaraang buwan? Naging busy ako sa project ko kaya hindi ako nakakauwi ng Mindanao. Panay larawan ang ipinapadala ninyo na pinagsisilbihan kayo at masaya kayo na kasama siya.I'm happy to know na okay na kayong dalawa kasi sa umpisa palang ayaw nyo sa kanya. Nagtataka man ako kung bakit hindi ko siya makakausap binaliwala ko lang dahil busy ako sa aking trabaho. Pinaghahandaan ko ang pagdating ng anak ko.Dumagdag pa sa trabaho ko ang anak ng kaibigan ninyong may sakit. Walang kasama sa bahay at walang nag-aalaga kaya sa akin ninyo pinapa-monitor. Mom, anak ng kaibigan nyo yon at hindi ko kaanu-ano pero ako ang piniperwisyo ninyo. Nahahalata ko naman eh na siya ang gusto ninyong ipaasawa sa akin. Pero mom alam nyo naman na mahal na mahal ko si Sanjela.For God sake mom, hindi ko siya mahal at mas lalong hindi ko siya magugust

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 7

    Kinabukasan tinawagan ako ni Rechaine para sa medical certificate. Sinadya niyang sa Quezon City Medical Hospital para makapasyal ako sa bahay nila. Syempre tinawagan ko si Tatay Marcelo para siya ang maghatid sa akin sa Quezon City. Mas maigi na iyong kakilala ko ang driver para safe ako.Pagkatapos ng aking mga test ay pumunta ako sa chamber kung saan naka OJT si Rechaine. Hinabilin kasi niya kanina na doon ako pumunta kapag tapos na ako. “Tapos kana ba Sanje?”Oo eh, ikaw ba ay tapos na rin?“Pakihintay nalang ako dahil tapos na rin ako,”Nang matapos si Rechaine sabay na kaming naglakad palabas ng hospital pero bago pa man kami tuluyan na makalabas nakasalubong namin ang taong kinamumuhian ko si Axel kasama ang asawa niya. Bitbit niya pa bridal style ang babae, hinimatay siguro dahil buntis.Nagulat siya ng makita ako na naglalakad patungo sa direksyon niya. He mouthed my name Sanjela. Walang emotion ko siyang tinitingnan at patuloy na naglalakad hanggang sa malagpasan na namin si

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 6

    Metro Manila.....Tita Jackie maliit lang ang room na kinuha ko malapit sa DFA para hindi ba ako mahihirapan mag commute.“Maayos naman ang pagdating mo dyan? Mabuti naman kung ganun, pero huwag mong masyadong tipirin ang sarili mo Sanje. Kailangan komportable ka dyan habang hinihintay mo ang pagpoproseso ng iyong passport at medical certificate. Tatawagan ko si Rechaine ang panganay ko na bisitahin ka dyan sa tinutuluyan mo. Bago ka umalis ng bansa Sanje bumisita ka sa bahay namin.Nag-uumpisa ng mag-ojt si Rechaine ngayon bilang hormone doctor sa Quezon City General Hospital. Kaya kapag may oras siya sasabihin kong ipasyal ka niya sa bahay namin sa Quezon City,”jackie excitedly said.Naku Tita sobrang-sobra na po talaga ang utang ko sa inyo. Huwag nyo po sanang paanakin ang tubo dahil baka mamumulubi na ako.“Sira! Basta mag-iingat ka palagi dyan at huwag kang magpabudol. Sige magpahinga ka muna pero bago ka matulog kumain ka muna Sanje. Please don't forget your meals and medicine.

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 5

    Bigyan mo siya ng sapat na allowance para naproseso niya ng maayos ang kanyang pasaporte sa maynila. Kailangan na ma-rush ang kanyang pag-alis bago siya matunton ng demonyong Governor. Hindi napirmahan ng ama ni Sanjela ang mga document sa paglipat sa pangalan. Kaya puntirya nila ngayon si Sanjela dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Valdez."Nasaan ang mga original na documents ng mga ari-arian nila?" Hawak ko na ang lahat bago nila mahalungkat ang pamamahay ng mga Valdez. Huwag mong pauwiin si Sanjela sa bahay nila dahil naroon ang mga armado at nakaabang sa kanyang pagbalik.By the way naihanda ko na ang kanyang visa papuntang Switzerland. Dapat walang ibang makakaalam sa kanyang pag-alis. Hihintayin natin ang kanyang pagbalik sa tamang panahon. Gusto kong makita ang bagong Sanjela Valdez na dudurog sa mga taong halang ang kaluluwa. Wala akong lakas lumaban dahil hawak nila ang aking leeg. Ngayong nakakawala na ako sa hawla at balwarte ng mga demonyo ipinap

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 4

    Kinabukasan nagising si Sanjela na bumungad ang isang masamang balita. Pinuntahan siya ng kanilang kapitbahay para ibalita na nabaril ng mga tauhan ni governor ang kanyang ama dahil nanlaban ito. Nalaman kasi ng ama niyang si Felipe na pag-aari na ni governor Santos ang buong kabuuan ng kanilang lupain. Na stroke naman ang kanyang ina at dinala daw ito sa hospital pero hindi na naagapan pa.Nang marinig ni Sanjela ang balita muli na naman siyang nawalan ng malay. Hindi man lang niya nalaman ang pagkawala din ng kanyang tatlong sanggol.Pagkalipas ng tatlong araw muling nagising si Sanjela mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ramdam parin niya ang sakit sa pagkawala ng mga magulang. Nilibing ang mga ito na wala man lang siya. Hinanap niya kaagad sa nurse ang kanyang mga sanggol.Umaasa na sa pamamagitan ng mga ito mapapawi ang kanyang kalungkutan sa labis na pangungulila sa mga magulang. Pero hindi parin umaayon sa kanya ang tadhana. Nalaman niyang may kumuha sa kanyang mga anak. Isa lan

  • Betrayed Ex-wife Return    chapter 3

    Mom, dad tatlong buwan ng buntis si Sanjela at ako ang ama kaya wala na kayong magagawa pa. Apo ninyo ang nasa sinapupunan niya, dugo at laman ko.“My God Axel pinapaaral pa kita sa maynila para magkaroon naman ng sosyalismo iyang kukute mo. Tapos ngayon malalaman naming magpapakasal ka lang sa isang mahirap at wala pang kaalam alam sa sosyalismo ang mga magulang. Puro hayop at sakahan lang naman ang inaatupag ng mga hampaslupa na iyon,”sabi ng aking ina. Nakita kong nagsiunahan na ang mga luha ni Sanjela. Kaya hinawakan ko siya ng mahigpit at pinapahiwatig na narito lang ako sa tabi niya.“Ako ang nagluwal sa'yo dito sa mundo na ito Axel kaya dapat ako ang masusunod at dapat ako ang pumili ng mapapangasawa mo. Ricardo wala ka man lang bang sasabihin sa ginawa ng anak mo? Isa ka pa Ricardo nakatago sa palda ng asawa,”“Agnes nariyan na yan kaya tanggapin nalang natin. Kung talagang nagmamahalan sila ng anak natin eh wala na tayong magagawa. Kung hindi natin iyan tatanggapin masisira

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status