Ilang araw siyang sinusuyo ni Rash pero ayaw niyang pansinin ang amo. Puro trabaho ang inuuna niya dahil ayaw niyang mawala sa focus at goal. Simula nang makatanggap siya ng masasakit na salita, tila naging sarado na rin ang puso niya para rito. Isang gabi, kinausap siya ng lalaki nang maabutan siya sa kusina. "Hermie.." napalingon siya sa amo. "Ano pong iuutos niyo?" walang emosyon ang muka na tanong ni Hermie."Hermie, hindi ko na alam ang gagawin. Noong una, alam kong wala akong nararamdaman sayo. Pero habang tumatagal, naakit mo na ako. Yung pakiramdam na nasasaktan ako kapag hindi mo ako pinapansin. Kapag binabalewala mo lang yung effort ko." aniya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ng dalaga. "Stop. Ayokong pag usapan. Kung may feelings ka sa akin dahil lang sa itsura ko, huwag na lang. Hanap ka na lang ng iba, Sir. Ayokong makipag lokohan sayo. Baka mamaya, mawala lang rin ang feelings mo. Sayang lang yung effort at aasa lang ako." sagot ni Hermie saka aalis na sana roon.Pi
Read more