Nian's POVKinagabihan, bumalik ako sa dating tambayan ko. Mas gusto ko kasi ang lamig at preskong hangin dito kaysa sa loob. May aircon pero mas masarap parin ang pakiramdam."Sabi ko na nga ba't maabutan ulit kita rito,"Napangiti ako nang marinig ang boses ni Rein, kahit hindi ko na siya lingunin ay alam kong siya iyon. Sa tuwing ganitong oras, nagkakaabutan kami. Umuuwi siya dito para siguro i-update si Zacharias sa mga nangayari sa kanyang negosyo."Dahil sa lugar na 'to, naaalala ko ang dating ako." saad ko, "Makulit, oa mag overthink pero nakakayanan ko. Totoo nga yung sabi nila, habang tumatanda nagbabago.""Parang hindi ka naman tumanda, maganda ka parin." biro niya."Tsk."Nilingon ko siya, "May asawa kana ba?" kuryosong tanong ko.Napatingin siya sa kalangitan at ngumiti, malungkot ang kanyang mga mata. "Meron, may anak na kami pero maaga silang binawi saakin."Natahimik ako, gusto ko pa sanang dagdagan ang itatanong pero ayokong baka maging uncomfortable siya."Malay mo isa
Magbasa pa