LOGINHello po ulit, wag po sanang kalimutang mag vote dito sa story. tysm po, pa five star kapag nagustuhan niyo sa mismong front page ng book. lovelat! don't forget to leave a comment to every kabanata.
Nian's POV"Salamat sa pag-aalaga niyo sa negosyo ko habang wala pa ako." saad ko sa kabilang linya, kausap ko Pren na inatasan kong mag bantay at mag manage muna sa flowershop ko. "Dadagdagan ko ang sahod mo ngayong buwan,""Naku, salamat ma'am." nagagalak niyang saad. "Kailan po ba ang balik niyo dito? namimiss na namin kayo, pati yung anak niyong si Zarius!" "Balitaan na lang kita kapag uuwi na kami.""Sige po ma'am, enjoy your vacation!"Pagkatapos ng tawag, bumalik na ako sa kusina. Gusto kong ako naman ngayon ang gumawa ng meryenda ng tatlo. I was surprised to see them again playing when I woke up. Ang alam ko ay busy si Zacharias, pero ngayon ay mukhang lagi na siyang may time sa anak ko at kay Zachu.Mas natatakot tuloy akong mas mapalapit si Zarius sa kanya. I can see his happy smile while being with them. Wala na ata akong magagawa at mahihirapang paghiwalayin ang dalawa. Gusto kong maging taga protekta pero alam kong iisipin ni Zachu na kontrabida ako sa buhay niya. Ayoko
Nian's POVHindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang madatnan sa garden si Zarius, Zachu, at Zacharias. Late akong nagising dahil napuyat na naman kagabi sa kakaisip. The three of them were playing. Zacharias is holding a ball and the two kids were trying to steal it from him. Maganda ang ngiti ng anak ko, halatang nag eenjoy siyang kasama ang dalawa.Ano pa kaya kung malaman niya ang totoo? na si Zacharias ang kanyang ama at kapatid niya si Zachu. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin ko, ang kaligtasan ba niya o ang kasiyahan.Ang hirap mag desisyon."Gising kana pala, Nian." saad ni Kim, may hawak siyang tray na may lamang meryenda. "May nakahandang breakfast para sayo sa kusina." Ngumiti lamang ako at tinignan ang hawak niya. "Ako na ang magdadala ng meryenda nila, dito nalang din siguro ako kakain." sambit ko.Nakangiting inilahad niya iyon. "Magandang ideya 'yan, parang happy family!" kinikilig niyang saad."Ikaw talaga, Kim. Kung ano-anong kadeluluhan ang naiis
Nian's POVPaano kung hanapin talaga ni Zacharias ang wala? natatakot akong malaman niyang kahit kailan ay hindi ako nakipag interaksyon sa iba bukod sa kanya. Hindi pa ako handang malaman niya ang katotohan. Kung sino si Zachu at kung sino siya sa buhay ng anak ko."Ayaw mo ba talagang malaman niya na siya ang ama ni Zachu?" Kinakabahan akong nilingon si mama na kakapasok lamang niya sa silid. Lumapit ako sa pintuan para tignan kung walang tao ron, napabuntong hininga kong isinara iyon at muling nilingon si mama."Mama, baka may makarinig." nag-aalalang saad ko."May kutob akong alam na ni Flora, hinihintay ka niyang ikaw mismo ang magsabi.""Mag mula nang malaman ko kung anong klaseng tao si Zacharias, na hindi siya basta bastang mayaman o kaya makapangyarihan. Ayokong maging katulad niya ang anak ko, at paano kung ilayo nila saakin si Zachu?"Lumapit saakin si mama at hinawakan ang aking kamay. "Hindi ako naniniwalang kaya nilang gawin iyon pero naiintindihan ko ang takot mo bilang
Nian's POV"Akala ko talaga hindi kana namin muling makikita at makakasama," Nginitian ko lamang si Kim at Remi na kasama ko sa pagluluto dito ngayon sa kusina. Bumabalik ang mga ala-ala kong kasama sila. Ang mga kadal-dalan at mga walang katapusang chismisan ang laging bumubuhay sa usapan namin dati."Ang layo na ng narating mo, samantalang kami ay nanatili parin na kasambahay.""Wala ka naman kasing talento tulad ko paano tayo aangat niyan?" biro ni Remi sa kanya."Ginawa kong inspirasyon ang anak ko para mas lalo kong pag butihing maghanap buhay, ayokong iparanas sa kanya ang mahirap na buhay." saad ko. "At hindi ko naman kayo masisi kung nanatili kayo dito kasi mataas ang sahod,""Tama ka, si nanay Flora na rin ang nagpapa-aral sa mga anak namin ni Kim kaya malaking tulong talaga sila sa buhay namin. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung wala sila."Pagkatapos naming magluto, dinala namin ang mga pagkain sa dining area kung saan kaming lahat ay mag salo-salo. Hawak ko ang mg
Nian POV"Buksan niyo ang gate." utos ko sa dalawang guwardiyang naka harang saakin ngayon sa harap ng malaking gate.Hindi sila umimik at hindi sinunod ang gusto kong gawin nila dahilan para mas lalo akong mainis. Ano bang problema niya at bakit ayaw pa kaming hayaang umalis. Lumapit ako sa isang cctv na malapit at galit na nilingon iyon."Ano ba Zacharias?! buksan mo ang gate!" sigaw ko. Sigurado akong pinapanood niya ako ngayon sa lahat ng galaw ko."Nian," tawag ni mama saakin.Hinawakan ni Zarius ang kamay ko na naging dahilan para lumambot ang puso ko. I stared at my son sad eyes. Paiyak na siya kaya umupo ako at hinawakan ang dalawang kamay niya."Are you angry to uncle Zacharias?" tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Totoong galit ako sa kanya pero nakalimutan kong pinapanood pala ako ng anak ko. "Gusto ko lang na pauwiin na tayo, nami-miss ko na ang shop ko at ang bahay natin. Ikaw, hindi mo ba namimiss ang mga friends mo sa school?" mahinahong tanong ko
Nian POVNanghihina kong idinilat ang aking mga mata at nilingon ang anak kong mahigpit ang yakap saaking kamay habang mahimbing ang kanyang tulog. Hinaplos ko ang kanyang buhok nang marahan, nag-aalalang baka magising ko siya.Nagpapasalamat akong ligtas na siya at naibalik na sa piling ko ngunit hindi ko maiwasang malungkot sa isiping sa murang edad naranasan niya ang ganito at magdudulot ng trauma sa kanyang paglaki.Kailangan kong ilayo si Zarius sa mundo ni Zacharias. Ayokong maulit muli ito, at hindi ako papayag na mawalay muli siya saakin. "Mommy? you're awake, but why are you crying?" aniya pagkamulat ng kanyang mga mata.Sinenyasan ko siyang gawing unan ang aking balikat at mahigpit na niyakap ang anak ko. "Mahal na mahal kita," napapikit kong saad."I love you too, mommy. Don't be sad, I'm back and safe."Bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Nani. Gulat ang kanyang mga matang nakita akong gising na ngunit napalitan din kaagad iyon ng lungkot at guilt. "Ate, g-gising kana."
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Nian's POV Sa buong b
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,







