Nian's POV "Ate, miss na miss na po kita!" masiglang boses ni Nani ang bumungad sa kabilang linya. Ngayong gabi ko lamang sila natawagan para kumustahin at malaman ang kalagayan ni Nanay. "I miss you too, Nani. Si Nanay, iniinom niya ba 'yung mga gamot niya?" tanong ko. "Opo, Ate. Pinapaalala ko sa kanya minsan, nagiging makakalimutin eh." "Kumusta ka diyan, Nian?" si Mama, napangiti ako nang marinig ang boses niya. "Okay lang po, kayo ba?" "Okay lang din. 'Wag kang magpalipas ng gutom, ha? Alagaan mo sarili mo. Kung hindi mo kaya ang trabaho mo, umuwi ka." "Madali lang ang trabaho ko, Nay. Tsaka mabait 'yung alaga ko." Tatay nga lang niya 'yung problema. Mas isip-bata pa ata sa anak niya. Buko pie na nga lang, aagawin pa sa akin, patay-gutom masyado. Lesson learned, sa susunod na may pagkain, itatago ko talaga sa kanya. Umiinit talaga dugo ko kapag na-aalala ko yung buko pie ko. Pagkatapos kong makausap si Nanay, lumabas ako sa maid's quarter para uminom ng tubig.
Read More