Nian's POV "Hays," Gabi na pero nasa labas pa rin ako, tumambay muna ako sa garden. Hindi ko alam kung pang-ilang buntong-hininga ko na 'to. Bukas na ang school event ni Zachu kaso hindi ko pa rin nakakausap si Zacharias. Nagtatago at umiiwas ako sa tuwing makakasalamuha ko siya, nahihiya kasi ako. Nakakainis! Hindi ko naman alam na may nagaganap palang kababalaghan sa opisina. Dapat nilagyan nila ng "DO NOT DISTURB, WE'RE HAVING SEX" sa pinto para iwas istorbo, 'di ba? Tsaka bakit sa opisina? Meron namang kwarto si Zacharias. Hay nako, baka hindi na siguro umabot kaya doon na nag-bembangan. "Paano na 'to," tinitigan ko ang nakaposteng ilaw, umaasang sasagot iyon. "Hi." Napamulagat ako. Hala, sumagot?! "I-ikaw ba 'yung nagsalita?" tanong ko sa poste. "Ha?" Hindi pala, nasa likod ko 'yung boses ng lalaki, hindi pamilyar sa akin. Lumingon ako at ang malawak na ngiti niya ang una kong napansin. Nakatayo sa likod ko ang lalaking payatot na matangkad at nakasuot ng itim
Read more