Nian's POVKung kahapon ay masaya, ngayon naman ay nakakayamot sa inis.Heto ako ngayon at bitbit ang mga designer shopping bag na napipiling bilhin nila. Ang alam ko ay isa akong nanny, hindi bag carrier.Kainis."Nian, are you okay?" tanong ni Zachu na kasabay ko maglakad habang sinusundan namin ang dalawa sa harap.Sino pa ba, edi si Zacharias at si Cherry. Nag-date amp, sinama pa talaga kaming dalawa."Wala ka bang gustong bilhin, baby Zachu?" lingon ni Cherry sa amin."Nothing," walang ganang sagot ni Zachu. Pagkaharap ni Cherry sa unahan ay bumulong siya sa akin. "She's spending so much money from my dad.""Huwag ka patalo, gumastos ka rin," bulong ko pabalik."I already have everything in my room," aniya."Sana lahat," naiinggit kong saad.Biglang kuminang ang mga mata ng bata. "Alam ko na!""Ano?""How about I dress you?""Kaya ko naman magdamit mag-isa," natatawang saad ko."No, what I mean is let's try dresses that suit you. Then Dad will buy them.""Sounds great." Biglang t
Read more