Cailin's POV "Masunurin ka talaga kapag pera ko ang nakataya." Aliw talaga mag-rage bait itong si Mirano. Subalit, napawi rin naman agad ang pagkamuhi ko sa kaniya paglipas ng ilang minutong pagsasakatuparan dahil lamang nabanggit niya ang salitang pera. Labanan nga pala ang relationshit namin at literal na 'painisan' lang talaga ang bawat araw. "Ang sabihin mo, kahit sino ay hindi aayaw sa akin," pagmamayabang ko habang inilalapit ko pa nang husto ang sarili ko sa kaniya. Mantakin ninyo, gumapang talaga ako papunta sa kinaroroonan niya, kaya naman kitang-kita ang hati ng dibdib ko. Umayos siya ng upo sa kama at hindi sa akin humarap kundi sa pinto ng kwarto. "Ni hindi man lang ako tinigasan, Miss. Baka nakalilimutan mo na you are just paid for the billionaire?" Now, it's his turn to be prideful. "Huwag po kayong mag-alala, SIR. I am fully aware that I am just PAID, kaya sinasagad-sagad ko na ang service ko sa iyo, para sagarin mo rin ang bayad mo." Kinuha ko na ang aking eye cov
Read more