Cailin's POVRamdam ko ang paghinto ng oras habang nanlalaki ang aking mga mata. Ang CEO ng Mirano Holdings, si Ellezar, ay nakatayo sa aking harapan. Suot niya ang isang black slim-fit bomber jacket na bumabagay sa kaniyang black inner shirt, at may nakasabit na silver slim stainless steel dog tag sa kaniyang leeg. Naka-blue maong pants siya at black shoes. Hindi siya mukhang galing sa opisina; mukha siyang galing sa isang misyon kung saan ang target ay ako.Gaya ng inaasahan, kinuwelyuhan ni Hadji ang bagong dating. Imbis na matakot, mas lalong tumigas ang mukha ni Ellezar, parang isang predator na handang kumagat sa leeg ng sinumang mangahas humarang sa kaniyang teritoryo."Hindi mo siya karapatan, Mirano!" sigaw ni Hadji, ang boses ay punong-puno ng galit."Pinabayaan mo siya rito mag-isa sa condo na 'to habang ikaw, inuuna mo pa 'yang trabaho mo! Hindi mo alam ang mga cravings niya, at lalong hindi mo alam ang bigat ng pinagdadaanan niya!"Humalakhak nang mahina si Ellezar, isang
더 보기