Nakaisip ng kalokohan si Ivory habang nakikita ang takot sa mukha ng mga taong nasa harapan niya. "Listen, girls. I have over eighty million in my savings. But with that money, I will buy only two things." Bahagya siyang yumiko, pinaikot ang eyeballs at ngumiti, 'yong evil smile para magmukha siyang nababaliw.Tuluyang nawasak ang natirang tapang ni Arlene. Aligaga itong tumayo, patingin-tingin sa pintuan, balak na yatang tumakbo at iwanan si Chesca. Pero iniharang niya ang sarili."Ikaw...a-ano'ng balak mong gawin?" sigaw ng babae. "Let me tell you, if you try to hurt me and Chesca, hindi ka papatawarin ng pamilya namin!" "Oh, nakakatakot naman." Bumungisngis si Ivory. "Kaya n'yo nga pala akong tirisin na parang langgam, di ba? Katakot naman. Iyon lang, bakit ikaw itong namumutla at hindi makahinga? Sige, tawagin mo ang family mo. Palagay mo, kung dudurugin nila ako hindi ko kayo isasamang dalawa ni Chesca? Kayo na mismo ang may sabi, I cam from a low background. Hindi ako manghihi
Read more