Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titingnan ay may pakinabang pero ang totoo ay walang kwenta."Kung mamatay ako, ibig sabihin may nangyaring homicide. Si Levi ang magiging primary suspect. Take note, Lucille, maglikom ka ng mga katibayan, tulungan mo akong gumanti at nang mapunta sa ating dalawa ang mana.""Okay, I got it. Gusto ko 50% ha?" Tango ni Lucille."Magandang ideya," nag-thumbs up si Ivory at nagkatawanan silang magkaibigan. Maya-maya pa ay nagpatuloy na sa seryosong discussion para sa kaniyang annulment. Dahil walang pre-nuptial agreement, maraming terms and conditions ang kailangang baguhin. Binawi ni Lucille ang mga dokumento at inayos."Malaki ang pakinabang sa iyo na wala kayong prenup ni Levi. Kung susumahin nati
Last Updated : 2026-05-14 Read more