Sobrang malas ng gabi na ito. Katatapos lang ng isang late night fitting ko para sa susunod na fashion week, at paglabas namin ng studio sa Mandaluyong, sinalubong kami ng napakalakas na buhos ng ulan. Ang tindi ng traffic, flooded na ang ilang kalye, at halos walang makuha na ride-sharing cars sa app. Para mas lalong sumakit ang ulo ko, biglang tumawag ang driver ng agency ko na na-flat-tire daw siya sa may EDSA. "Babe, seryoso, anong gagawin natin?" stress na stress na wika ni Denise habang nakatitig sa phone niya. "Walang pumapasok na Grab. Sabi naman ni Asher, na-stuck din ang car niya sa baha sa may Makati habang papunta sana rito para sunduin tayo." "Okay lang, Denise. Hantayin na lang natin humupa nang kaunti ang ulan," sagot ko habang niyayakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa lobby. "But it's almost midnight, Shan. Mas lalong lumalakas ang ulan, baka ma-stranded tayo rito hanggang umaga," pag-aalala pa niya. Habang nagtatalo kami kung magko-commute
Magbasa pa