Makalipas ang isang linggo… Kaarawan na ni Yannah Mendoza. “Happy birthday, anak!” masayang bati ni Vera. Nakaharap si Yannah sa malaking salamin sa loob ng kanilang silid habang inaayos ang suot niyang magandang gown na espesyal na ipinabili ni Brooklyn para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. “Mommy, ang bait-bait po ni Daddy Brooklyn. Kahit hindi ko siya tunay na daddy, ibinibigay niya po ang halos lahat ng gusto ko,” inosenteng sabi ni Yannah. Ngumiti si Vera at marahang hinaplos ang buhok ng anak. “Oo, anak. Mabuti siyang tao kaya huwag na huwag kang magbabago. Tandaan mo, kung sino tayo noon, ganoon pa rin tayo ngayon. Hindi sukatan ng pagkatao ang pera o marangyang buhay. Maging mabait ka sa lahat at huwag kang magmataas dahil pantay-pantay lang tayong mga tao.” “Opo, Mommy,” masunuring tugon ni Yannah bago muling humarap sa salamin at ngumiti. Makalipas ang ilang oras… Unti-unti nang nagsidatingan ang mga bisita. Halos lahat ng kilalang negosyante, politiko,
Magbasa pa