Ilang linggo na ang nakalilipas mula noong huling beses na nakita ng lahat si Xavier Zander na ganito—nakatayo nang tuwid, matatag ang bawat hakbang, at kumikinang muli ang kanyang mga mata na puno ng talino at kapangyarihan. Noong mga nakaraang buwan, nakita siyang mahina, tila nawawalan ng dating ningning, at marami ang nag-isip kung makakababalik pa ba siya sa dati niyang anyo at lakas. Ngunit ngayon, bawat araw ay patunay na unti-unti, dahan-dahan, ngunit tiyak—bumabalik na ang lahat sa kanya. Sa loob ng kanyang pribadong opisina sa pinakamataas na palapag ng Zander Corporation, nakatayo si Xavier sa harap ng malaking bintana na humaharap sa buong siyudad. Hindi pa ito alam ni Marco na may lihim akong opisina sa kumpanya ko kaya malaya akong pumasok dito. Mula rito, kitang-kita niya ang bawat gusali, bawat kalsada, at bawat ilaw na kumikinang sa ibaba. Dati, ito ang kanyang kaharian. Ang bawat negosyo, bawat kasunduan, bawat tagumpay—lahat ay hawak niya sa kanyang mga palad. D
Read more