Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, nasa opisina na ako ng Greenzone Development.Maayos at perpekto ang suot kong polo shirt, plantsadong-plantsado ang aking slacks, at nakasabit sa aking braso ang mamahaling relook binili ko mula sa unang malaking kita ng kumpanya.Hindi pa man ako nakakaupo sa aking executive desk ay sinalubong na ako ni Dorothy sa labas ng aking silid.Ngayon, suot niya ang kaniyang pormal na business attire, may hawak na leather folder, at maayos ang pagkakatali ng kaniyang buhok. Kung may makakakita sa aming dalawa sa hallway, iisipin nilang isa lamang siyang masipag, disiplinado, at propesyonal na executive secretary, at ako ang kaniyang respetadong boss.Walang sinumang makapagsasabing ilang oras lamang ang nakalipas ay magkasama kami sa isang pribadong kwarto ng hotel—magkasiping at walang ibang iniisip kundi ang sarili naming mga pagnanasa.“Good morning, sir,” pormal niyang bati sa akin, walang ka bakas-bakas ng nangyari kagabi.Napangisi ako. “Good morning, D
Read more