Bago tuluyang umalis sa opisina, inayos ko muna ang ilang huling dokumentong kailangan kong lagdaan. Habang ginagawa ko iyon, hindi ko maiwasang balikan sa isip ang naging pagbisita ni Jeff kanina.Hindi ko lubos-maisip kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay bulag pa rin siya sa reyalidad. Ilang beses na siyang binigyan ng pagkakataon ng tadhana na ituwid ang kaniyang mga kamalian, ngunit sa halip na gawin iyon, pinili niyang patuloy na habulin ang isang bagay na kailanman ay hinding-hindi na magiging sa kaniya.Si Kimmy.Napabuntong-hininga ako nang malalim. Sana ay tuluyan na niyang maunawaan na wala na siyang puwang sa buhay ng asawa ko.Kinuha ko ang aking cellphone mula sa mesa at muling binasa ang huling mensahe ni Kimmy.[Then hurry home, husband.]Hindi ko napigilang mapangiti nang may labis na lambing.“Of course, love. I'm coming home,” bulong ko sa sarili.Agad kong tinapos ang mga natitirang gawain at nagpaalam sa aking assistant. Paglabas ko ng gusali, naisipan kong
Read more