NAALIMPUNGATAN si Kenna ng bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Namumungay pa ang kanyang mga mata na bumangon mula sa pagkakahiga saka kinuha ang kanyang cellphone kung saan ay dali-dali niyang sinagot ang tawag dahil baka magising si Cassandra. Bukod pa doon ay hindi niya nakita kung sino ang tumatawag kaya nagulat siya ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya.“All I want is love, pero bakit ganito?” ang boses nito ay halatang lasing ngunit bukod doon ay mababakas sa boses nito ang matinding sakit.Medyo maingay din ang background kaya sigurado siya na nasa bar ito. “All these years, nagtiis ako. Hinintay kita…” Napapikit ng mariin si Kenna. Hindi niya akalain na magkakamali ang lalaki na tawagan siya.“Sir…” huminga siya ng malalim. “Nathan, it’s me, Kenna.” sabi niya para sabihin dito na namali ito ng natawagan ngunit sa halip na tumigil ay nagpatuloy lang ito.“Pagkatapos ngayon ay gusto mong makipagbalikan sa akin for what? You can’t even love me…” palatak nito. Buk
اقرأ المزيد