“What? Aalis na kayo kaagad?” nakakunot ang noo ni Via na tanong kay Nathan.Tumango siya rito. “Yes, may meeting pa kasi ako na kailangang puntahan. Pasensya ka na talaga.” sabi niya rito. Clear na ang schedule niya sa mga oras na iyon pero sinabi niya pa rin iyon sa kapatid niya. Ayaw niya ng manatili pa doon dahil sa naging sagutan nila ng kanyang ama.Napa buntong hininga ito. “Tell me, may nangyari ba sa taas? May sinabi ba sayo si Daddy?” tanong nito sa kaniya na ikinailing niya lang. Wala siyang balak na sabihin dito ang kung anuman ang napag-usapan nila ng ama sa taas dahil ayaw niya na itong ma-stress pa.“Nate, alam mo naman na you can always tell me if may problema ka diba? Andito lang ako palagi.” sabi nito sa kaniya at tinapik ang kanyang balikat.Ngumiti lang siya. “Of course, if may problema ako ikaw ang unang-una kong sasabihan okay?” Tumango ito. “Siya, aalis na ako.” sabi niya at hinanap na si Cassandra. Dahil nga may oras pa naman siya ay dadalhin niya na lang muna
Last Updated : 2026-05-27 Read more