UMAGA pa lang ay may kausap na si Nathan sa telepono. Nakikipag ugnayan sa isa niyang tauhan tungkol sa ipinapatayo niyang pabrika. Doon niya kasi balak gumawa ng mga damit para sa clothing brand na ilalabas nila at gusto niya, sa susunod na buwan ay makapag umpisa na sila. Excited siya sa totoo lang dahil unang beses niyang gagawin iyon.Idagdag pa na pagkatapos naman nito ay gusto niya namang isunod ang tungkol sa property na nabili niya sa Ilocos sa may tabi ng dagat. Gusto niyang magpagawa doon ng mga hotel para mapakinabangan iyon.Kabababa pa lang niya ng telepono ay tumunog na itong muli. “Hello?”“Sir, baka next month pa po darating ang stallion na gusto niyo dahil manggaling pa po ito sa ibang bansa.” sabi nito sa kaniya. Iyon ang pony na gusto ni Cassandra. Wala daw silang available na kulay black ngayon at kung talaga daw na gusto niya ay sa ibang bansa na lang daw sila kukuha ngunit wala naman iyong problema sa kaniya. Ang mahalaga ay meron.“No problem, handa akong maghi
Read more