“Bakit hindi? Kung gusto mo ay palagi tayong mamamasyal okay?” sagot ni Nathan kay Cassandra. Kung siya lang ang tatanungin ay wala din namang problema sa kaniya. Kaya lang kasi ay may kasunduan sila ng lalaki at magtatagal lang ang kasal nila ng isang taon at sa mga susunod na taon ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Cassandra.Kahit na may pangako ang lalaki, hindi niya pa rin sigurado kung tutuparin ba nito iyon. “Talaga po Daddy?” nagliliwanag ang mukhang tanong ni CAssandra dito, tumango naman ito pagkatapos ay yumuko para tuluyang kargahin ang anak niya.“Basta palagi mo lang ipangako na magiging mabait ka sa Mommy mo. huwag mong pasasakitin ang ulo niya okay?”Humagikgik naman ang kanyang anak at pagkatapos ay napatakip sa bibig. “Hindi naman ako pasaway diba Mommy?” mahina nitong tanong sa kaniya na ikinangiti niya lang at ikinapilig ng ulo.“Oo naman, anak ko. Ang bait-bait mo kaya…” hinaplos niya ang ulo nito.Marami ng tao silang k
اقرأ المزيد