AZRAELHindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na pumasok akong nakangiti sa opisina. Simula nang mawala si Vianna limang taon na ang nakalipas, halos puro trabaho na lang ang inatupag ko. Maaga akong pumapasok at gabi na kung umuwi. Lumago nang husto ang kumpanya namin at lalo pang dumami ang mga proyekto sa loob at labas ng bansa. Bilang CEO ng Villanueva Holdings Corporation, wala halos lumilipas na araw na hindi ako abala sa mga meeting, contracts at iba't ibang negosyo. Pero ngayon, kahit tambak ang mga dokumentong nasa mesa ko, wala ni isa ang kayang burahin ang ngiti sa labi ko.Pakiramdam ko ay gumaan ang lahat matapos kong makita ulit si Vianna. Limang taon ko siyang hinanap. Limang taon akong umasa na balang araw ay magkikita rin kami. At ngayong nangyari na iyon, parang ayoko na siyang pakawalan pa. Kahit ilang beses niya pa akong tarayan o itaboy, wala na akong balak lumayo.Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko."Kuya."Pag-
Read more