Makalipas ang dalawang araw, wala pa ring maayos na tulog si Vianna. Sa loob ng dalawang araw na iyon, para bang paulit-ulit na binubugbog ang isip niya ng mga alaala na pilit niyang gustong takasan ngunit ayaw siyang tantanan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang eksenang nahuli niya sina Bryan at Nika sa kama. Bumabalik ang mga ungol ng dalawa na parang paulit-ulit na nananaksak sa dibdib niya. At kasunod noon ay ang gabing hindi niya inaasahang mangyayari sa kanila ni Azrael. Hindi niya kayang burahin sa isip niya ang gabing iyon. Ang paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki, ang init ng katawan nito, ang mga halik na ginantihan niya dahil sa sakit at kalasingan, at ang pulang mantsa sa bedsheet na tumambad sa kanya kinabukasan. Sa tuwing naaalala niya iyon, parang gusto niyang magtago sa kahihiyan at pagkalito dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Mas lalo pa siyang hindi pinapatahimik ni Azrael. Sa loob ng dalawang araw na iyon, halos h
Terakhir Diperbarui : 2026-05-22 Baca selengkapnya