Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari, at pilit kong ibinabaon sa limot ang account at mga mensaheng pilit na bumabagabag sa akin.Hindi madaliMay gabing bigla nalang ako nagigising dahil sa tunog ng cellphone ko. Parang hinihintay ng katawan ko ang panibagong masamang balita.Pero anong magagawa ko? Wala rin naman, at the end of the day kailangan ko pa rin magpatuloy.Isa pa, pasukan na ulitAt higit sa lahat, gaya ng datiHindi pa rin tumitigil sa kakulitan ang GalvestioHindi ko pa man nabubuksan ang messages ko ay nag-uumpisa ng sumalubong sa akin ang sunod-sunod na notifications.“@Ashicc Privado ano na?” Cali chatted.“Tagal di nagpaparamdam eh,” wika ni Nick, “Nasaan na ba ‘yon, @Clout Valeheart?” Napalunok ako ng mabasa ang pangalan niyaHindi ko pa rin alam paano ko siya haharapin, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahatSana hindi niya ako husgahanHindi ko kayang makarinig ng masakit na salita mula sa kaniya“Bakit niyo sa akin hinahanap?” tanong ni
Read more