LOGINMalapit na...thank u for reading guys -syn
Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari, at pilit kong ibinabaon sa limot ang account at mga mensaheng pilit na bumabagabag sa akin.Hindi madaliMay gabing bigla nalang ako nagigising dahil sa tunog ng cellphone ko. Parang hinihintay ng katawan ko ang panibagong masamang balita.Pero anong magagawa ko? Wala rin naman, at the end of the day kailangan ko pa rin magpatuloy.Isa pa, pasukan na ulitAt higit sa lahat, gaya ng datiHindi pa rin tumitigil sa kakulitan ang GalvestioHindi ko pa man nabubuksan ang messages ko ay nag-uumpisa ng sumalubong sa akin ang sunod-sunod na notifications.“@Ashicc Privado ano na?” Cali chatted.“Tagal di nagpaparamdam eh,” wika ni Nick, “Nasaan na ba ‘yon, @Clout Valeheart?” Napalunok ako ng mabasa ang pangalan niyaHindi ko pa rin alam paano ko siya haharapin, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahatSana hindi niya ako husgahanHindi ko kayang makarinig ng masakit na salita mula sa kaniya“Bakit niyo sa akin hinahanap?” tanong ni
Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Nakatulog pala ako, hindi ko napatay ang internet connection ng phone ko.Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ang 50 messages ni Clout.Napakunot naman ang noo ko, bakit naman ako im-message ng taong ito ng ganitong oras. Akala mo naman ay nawawala, isa pa hindi naman kami close.Napasimangot nalang ako at binuksan ang chat niya. Hindi talaga ako gano’n na natutuwa sa taong ito, masyadong malapit kay Abo.Baka mamaya mahulog pa ang isang iyon, mahirap na.“Pre tinatawagan ka ni Abo kanina”“Pre umiiyak si Abo ako yung natawagan”“Pre magreply ka si Abo!”“Pre hindi ako sinagot ni Abo binabaan ako ng tawag.”“Bakit siya umiiyak?”“Sagutin mo naman ako nag-aalala na ako kay Abo.”“Hindi ko na macontact cellphone niya.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko.Aligaga kong pinuntahan ang convo namin ni Abo at nakita ang missed call niya.“Shit!” Sinubukan ko uling tawagan si Abo, habang naglalakad ng paba
Parang wala akong buhay na naglalakad pabalik ng kwarto ko at piniling patayin ang cellphone ko. Wala akong maramdaman…O baka sadyang napagod nalang akong maramdaman ang lahatAng gulo-gulo ng isip ko, kung isang panaginip lang ang lahat pwede bang gisingin niyo na ako?Nahihirapan na kasi ako, ang hirap mag mukhang malakas kahit ang totoo ay hindi ka naman malakas.Isa pa si Clout… nahihiya akong kausapin siya pagkatapos ng nangyari. Hindi ko naman sinasadya na siya ang matawagan, sa sobrang panginginig ng kamay ko at mga luhang humaharang sa mata ko ay hindi ko napansin na siya pala ang muli kong natawagan.Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahatNatatakot ako…ayaw kong husgahan niya akoI can’t bear any insult nor mockery anymoreHindi ba pwedeng magkaroon naman ako ng peace ng walang kahit anong kapalit? Hindi ba ako pwedeng huminga ng maluwag na walang iisiping may kapalit na mabigat ang bawat pagtawa ko?Napasabunot nalang ako ng mahigpit sa aking buhok ngunit wal
Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko pala naibaba ang kurtina kagabi nang pumanhik ako para matulog.Ala-una na no’ng makatulog ako pagkatapos naming mag-usap ni Clout. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras, masyadong napahaba ang tulog ko, alas onse na ng umaga.Agad akong tumayo at pumanhik sa banyo para maligo pagkatapos ay dumiretso sa kusina. Kumain muna ako sandali bago muling nagsaing ng kanin at naghugas ng mga pinag kainan. Nasa bukid ngayon sila mama at paniguradong pauwi na ang mga iyon.Napangiti ako habang naghuhugas ng plato ng maalala ko si Clout. Parang kagabi lang maiyak-iyak pa ako habang kausap siya tungkol kay Silver, pero ngayon..hindi ko alam pero parang mas magaan ang pakiramdam ko pag gising matapos ang mahabang usapan namin.Para akong nakahinga ng maluwag.I hate to admit it pero parang nasasanay na ako sa presensya niya hshshs ang hilig kasi mang-asar.Pinunasan ko ang kamay ko matapos kong
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinabi ni kuys Kieran. Pagkatapos ng usapan namin hindi na ako mapakali.Gusto ko ba siya?Hindi ko alam kung gusto ko na si Clout pero aaminin ko naman na kumportable ako sa kaniya. Iyong tipong pag pumapasok siya sa isip ko para akong tangang nakangiti. Baliw kasi ang isang iyon, ang hilig mang-asar.Pero baka naman kasi nasanay lang ako sa presensya niya.‘Haisst’ Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang messages ni Clout sa akin simula kaninang umaga. Nag-guilty ako na hindi ko siya sini-seen o nirereplyan pero kasi naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko.Napakagat nalang ako sa labi ko habang pinipigilan ang sarili kong magreply sa kaniya. Hindi ko na nga rin binubuksan ang gc ng Galvestio kasi nando’n siya.For sure kasi magtatanong nang magtatanong iyon.Dumagdag pa talaga siya sa iniisip ko sa halip na thesis nalang ang iniisip ko.Ahhh ano bang nangyayari sa akin? Normal pa ba ito?“Abo.” “Huy busy ka ba?”“Sayang may chismis
Nakangiti kong ibinaba ang cellphone ko at yumakap sa unan ko habang nakatitig sa kisame.‘Bakit ba ako napapangiti? Boses lang naman niya ‘yon’‘Bakit kasi ang lalim at kalmado ng boses niya?’‘Nakakainis!’Ilang beses na akong bumaliktad sa higaan ko na parang barbeque pero wala pa rin.Nakangiti pa rin ako“ARRGHHH!” sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko para hindi marinig ang malakas na sigaw ko.“Nakakainis ka Clout!” turan ko sa aking isip at pinilit matulog kahit paulit-ulit kong pinapakinggan ang boses niya.Kinikilig ba ako? Sana hindiHindi ko alam anong oras at paano ako nakatulog dahil sa nangyare kagabi. Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa ingay sa kusina, agad akong lumabas habang kinukusot ang mata ko. Nagkakatay pala ng manok sila mama para sa ulam namin.“Binili niyo ‘yan?” tanong ko at umupo sa tabi.“Binili ni papa mo,” sagot ni mama. Humikab ako at muling pumasok sa kwarto ko, wala rin naman ako maitutulong sa kanila. Ayaw nilang nangengealam ako sa g
Ang tagal naman magreply nito. Napahikab ako at muling tiningnan ang inbox ko.‘Wala pa rin’‘Siguro ayaw talaga nito akong kanatahan o kaya sabihin ang chismis’“Bawal sugapa Abo, isa lang pwede.” Napasimangot nalang ako nang makita ko ang reply niya.Meron ngang reply, hindi naman pwede yung requ
Akmang papatayin ko ang data ko ng biglang may tumawag sa messenger ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumawag at napahinto ng makita ang caller id.‘Bakit tumatawag ‘to?’“Sorry, napindot.” Napailing nalang ako sa chat ni Clout.“Gusto mo lang yata marinig boses ko eh,” pang-aasar ko.“Ayy ang k
Napapikit ako ng mariin upang pigilan ang luhang gustong kumawala mula sa aking mata. Matagal na yun, pero yung takot na nakuha ko, nandito pa rin at mukang hindi na mawawala. Even my parents didn't know what really happened way back then.Even my siblings don't know about it…Only some of my online
Nagising nalang ako nang tumama ang liwanag sa aking muka. Agad kong kinuha ang yakap kong unan at itinabon iyon sa ulo ko.Inaantok pa ako. Malapit na sana akong madala ng antok nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko.Napabuntong hininga nalang ako at kinapa ang cellphone sa ilalim ng aking u







