Kinagabihan, hindi agad nakauwi si Daveron matapos ang business event. Sa halip na dumiretso sa kaniyang bahay, nagpasya siyang bumalik sa opisina kahit wala naman na siyang kailangang tapusing trabaho. Tahimik lamang siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nakatingin sa mga ilaw ng lungsod mula sa malaking bintana.Ngunit kahit ilang beses niyang subukang ituon ang kaniyang isip sa ibang bagay, patuloy na bumabalik sa kaniya ang mukha ng batang nakilala niya kanina. Ang pangalan nito, ang mga mata nito, at higit sa lahat, ang paraan ng biglaang pagkataranta ni Kristine ay hindi niya maalis sa kaniyang isip.“Kreivor,” mahina niyang sambit habang nakasandal sa kaniyang upuan.Muli niyang naalala ang paraan ng pakikipag-usap ng bata sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kung anong pamilyar sa kilos nito. Maaaring nagkataon lamang ang lahat, at maaaring nadadala lamang siya ng mga tanong na matagal nang bumabagabag sa kaniya.Ngunit may isang bagay na hindi niya maika
Última actualización : 2026-08-31 Leer más