Mag-log in“Fvck! You’re so still fvcking tight, ‘love’...” that’s the first time he called me that and it feels nice and lovely. Three years ago, Kristine entered a loveless contract marriage with Daveron Almonte, a young handsome billionaire. Para kay Daveron, isa lang itong business arrangement para mapaligaya ang kaniyang pamilya. Pero para kay Kristine, unti-unting naging pinakamagandang pagkakamali ng buhay niya ang pagpapanggap bilang asawa nito. When Kristine discovers she is pregnant, she secretly believes their child could finally turn their fake marriage into something real. Pero sa araw kung kailan tapos na ang kanilang kontrata ay nadurog ang puso niya matapos makita si Daveron kasama si Amber—ang babaeng first love nito. Hindi na lamang niya sinabi ang tungkol sa ipinagbubuntis niya at pumirma siya sa divorce papers, saka tuluyang nawala. Five years later, Kristine returns as a successful, untouchable woman with a brilliant young son who bears Daveron’s striking features. “Lola! The man who’s arguing with Mommy looks just like me! Maybe, he’s my Daddy?!” sambit ng batang si Kreivor. At habang unti-unting pinaglalapit ng kanilang anak ang landas nila, ay lalong mapapalapit si Daveron na harapin ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya. Dahil ang lalaking hindi naniwala sa pag-ibig noon, ngayon ay handa nang gawin ang lahat… para mabawi ang babaeng minsan niyang binitawan. #BILLIONAIRE DADDY AND HIS LITTLE CUPID!
view more“Ginabi ka na ng uwi, ah?” sambit ko nang bumukas ang pintuan ng living room at pasuray-suray na pumasok si Daveron. “T-Teka, lasing ka ba?” sunod kong tanong.
Hindi ito sumagot at sa halip ay diretso itong tumungo sa akin at kaagad akong niyakap at siniil ng halik. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa amin, pero sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang siya mas naging wild. Baka dahil sa sobrang kalasingan? Halos hindi ko na namalayan na dinala niya na pala ako sa kuwarto namin at doon ay hubo’t hubad na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit din ang aking pakiramdam at gustong-gusto ko ang bawat haplos at halik niya sa akin. “Hmm…” mahinang ung0l ko nang kagatin niya ang balikat ko bago ipasok ang sandata niya. “Fvck! You’re so fvcking tight, love…” ung0l ni Daveron na siyang nagpatindig balahibo sa akin. This is the first time na tinawag niya akong “love” and it felt nice. Lalo akong ginanahan at sa bawat indayog niya at baon na baon. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-ulos niya at paninikip ng akin. Parang ayoko nang matapos ang gabing ‘yon, at paulit-ulit akong inangkin ni Daveron. Hanggang sa huli at nang matapos kami ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. Unang beses niya lamang din ‘yon ginawa kaya lihim akong napangiti habang nakapikit. Sa unang pagkakataon gumaan ang pakiramdam ko. Naisip kong baka tuluyan na rin akong nagustuhan ni Daveron. Sa tatlong taon naming pagsasama, hindi ko naman ini-expect na mahuhulog ako sa kaniya. He was tall, dark and handsome, but cold and yet he’s kind and gentleman. He never treated me like others. He treats me like a family member. Well, hindi siya is sweet and showy, pero that’s enough for me to fall in love with him. Kuhang-kuha niya ang puso ko sa tuwing pupunta kami sa mga magulang niya, dahil doon mas nagiging maingat siya, konting sweet, kahit na pagkukunwari lang ay kilig na kilig ako. Minsan na akong nasabihan ng kaibigan ko na martir daw ako. Well, I don’t agree. Mag-asawa kami sa batas at sa harap ng Diyos. Kaya kahit maliit na bagay ay masaya na ako. Kinabukasan, nagising akong tumatama ang liwanag ng sikat ng araw sa aking mukha. Unti-unti ang dumilat at dahan-dahang bumangon dahil pakiramdam ko ay namamaga ang aking pechay. Muli ay napangiti ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Sa pag-aakalang nasa tabi ko pa si Daveron ay humiga ulit ako at niyakap siya, pero tanging malambot na unan lang ang naramdaman ko. Mabilis akong napaupo at napamasid sa aming kuwarto. Wala na talaga siya. Wala ng mababakas na naroon pa siya. “Umalis na siya?” tanong ko, bago ako tumingin sa orasan. “Ha?! Ala una na pala ng tanghali?!” bulalas ko saka dali-daling bumaba sa kama upang pumunta sa veranda at tingnan kung naroon pa ang kotse ni Daveron. “Hays, umalis na nga siya.” malungkot ko pang sambit nang makita kong wala na roon ang kotse nitong ginagamit patungo sa kompanya. Ilang sandali pa ay bigla akong nakaramdam na parang hinahalukay ang aking tiyan. Kaya dali-dali akong tumakbo papasok muli sa kuwarto at mabilis na nagtungo sa comfort room. Doon ay sunod-sunod ang napaduwal sa hindi ko malamang dahilan. Halos manlamig ang aking pawis, unti-unti akong nanghina, at nanlabo bigla ang aking paningin. Sinubukan kong tumayo, pero nakaramdam ako ng takot dahil unti-unti ay para akong tutumba. “What’s happening…” bulong ko, bago ako tuluyang nawalan ng malay. Halos hindi ko namalayan kung ilang oras akong walang malay, nagising na lamang ako nang marinig ko ang natatarantang boses ni Nanay Pasha. “Ay, mahabaging langit! Kristine! Gising, hija! Gising!” “N-Nanay Pasha?” utal kong tawag sa nag-alaga sa akin simula noong bata pa lamang ako. “Ay, salamat sa Diyos at nagising ka na!” tila nabawasan ang pag-aalala sa boses nito. Ipinalibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa comfort room pa rin ako. At dahan-dahan akong tinulungan ni Nanay Pasha. “Ano pong nangyari sa akin, Nanay Pasha?” tanong ko. “Eh, hindi ko alam, hija. Basta noong tumatawag ako dito sa kuwarto niyo ay hindi ka sumasagot, kinutuban ako ng masama at dito na kita nakita. Ano gusto mo dalhin kita sa hospital? O tawagan ko ang asawa mo?” sunod-sunod nitong tanong. Mabilis akong umiling. “Naku, huwag na po, ‘nay. Okay naman na po ang pakiramdam ko, at huwag niyo na rin po ipaalam pa kay Daveron. Ayokong mag-alala pa po siya, busy po iyon sa trabaho. Tatawagan ko na lang po si Jill.” tukoy ko sa kaibigan kong Doktor. “Oh, sige, hija. Halika at kumain ka na sa baba, baka gutom ka lang kaya ka nawalan ng malay. Eh, mukhang pinagod ka na naman ng asawa mo, eh.” sabay busangot ni Nanay Pasha, alam niya kasi ang history ng relasyon namin ni Daveron at tutol siya rito dahil para sa kaniya ay wala raw itong ka-effort effort pagdating sa akin. “Nanay Pasha naman—” “Oo na, sige na. Kung saan ka masaya.” tila walang nagawa nitong sambit, kaya natawa na lamang ako. Matapos kong kumain ay nag-asikaso na ako, dahil gusto kong personal na magpa-check-up sa kaibigan ko. At habang inaayos ko ang sarili ko ay napatitig ako sa salamin, at napansin kong parang medyo tumaba ako. “Lately ba nahihilig ako sa matamis?” tanong ko pa sa sarili ko. Napakibit balikat na lang ako at ipinagsawalang bahala ang napansin kong iyon, saka kinuha ang susi ng kotse ko at nag-drive patungo sa hospital kung saan nagta-trabaho si Jill. “Hay naku, Kristine! Kung nandito ka lang para i-kuwento ang pagiging anghel ng asawa mo sa mata mo, eh, umalis ka na lang muna! Madami akong ginagawa!” bungad nito kaagad sa akin, pagpasok ko pa lang sa opisina nito. Isa rin kasi itong tutol sa pagmamahal ko kay Daveron. “Huy, hindi, ah! Magpapa-check up ako.” kontra ko kaagad sa kaniya. Napakunot ang noo ni Jill. “Weh? Bakit? May sakit ka?” “Hindi ko sigurado kung may sakit ako, pero kasi kanina nasuka ako at nawalan ng malay.” paliwanag ko. “Ay, tang*na ka, bestie!” napatayo pa ito at napahampas sa lamesa kaya nagulat at napapitlag ako. “B-Bakit?! M-Mamamatay na ba ako?!” kinakabahan kong tanong. Napailing si Jill. “Hindi! Teka nga lang, kukuhaan muna kita ng dugo para sure!” Mabilis itong kumilos at kinuhaan ako ng dugo. Pagkatapos ay hindi na ito nagsalita at nakapikit lang, tila ba malalim ang iniisip. “Lalo tuloy akong kinakabahan sa’yo, eh.” sambit ko. “Kabahan ka talaga, Kristine! Hay, naku!” tila problemado nitong sambit. Ilang sandali pa ang nakalipas nang may kumatok na nurse sa pintuan ng opisina ni Jill. “Doc, ito na po ‘yung resulta ng blodd serum.” sambit ng nurse. Mabilis na tumayo si Jill at kinuha ang papel na inaabot nito. “Anak ng—” huminto ito at napapikit. “Dahil bawal ako magsalita ng masama sa baby—Congratulations! You’re 6 weeks pregnant, Bestie!” pilit na ngiting sambit ni Jill. Napaawang ang labi ko at bahagyang napakunot ang noo. “S-Seryoso ka ba? B-Buntis ako? Totoo?” halos hindi ko makapaniwalang tanong. “Oo nga! Here’s your blood serum result! Kaya ka nahihilo, nasusuka, at panay inaatok ka every time na magkikita tayo!” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. “B-Buntis ako… magkakaanak na kami ni Daveron…” nakangiting sambit ko, at napahimas ako sa aking tiyan.FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak
Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g
Matapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa.Hindi ko mapigilang mapangiti hab
Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron.Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko.Paano ko sasabihin sa kaniya?Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako.Hindi dahil ayaw kong malaman niya.Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya.“Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?”Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.”Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.”Tumango ako.“Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.”“Espesyal?” taas-no












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.