Claire's Point of ViewPagod na pagod ako mula sa trabaho at gusto ko na lang sanang magpahinga pag-uwi ko sa bahay. Pero pagkabukas ko ng pinto, ang unang bumungad sa akin ay isang map at timba, na tila naghihintay ng utos. Nakatayo si Sir Throne sa gilid, parang supervisor na naghihintay ng performance review."Ano 'to, Sir– I mean, Throne." taka kong tanong, kahit alam ko na ang kasagutan."Ngayong gabi maglilinis ka, at ngayong gabi rin tayo maghahati ng parte ng lugar sa bawat area sa bahay," tugon niya, tila walang pakialam sa bigat ng araw ko."S-Sir— I mean, Throne, wala tayo sa trabaho! Pagod pa ako, ang dami mong utos kanina!" reklamo ko, sinusubukang itago ang inis.Para bang hindi sapat na halos buong araw akong inutusan niya sa opisina, ngayon pati dito kailangan ko pa rin siyang sundin."Ah, nagrereklamo ka?" tanong niya, at sa tono ng boses niya alam kong hindi siya natutuwa. "Then you are free to leave."Napasimangot ako, napipilitang mag-isip ng tamang sagot. Hindi pu
Última actualización : 2026-08-31 Leer más