“Leche kasing Daveron ’to!” bulong ni Kristine habang pilit na inaayos ang buhok upang matakpan ang marka sa kaniyang leeg.“Nakakahiya tuloy,” dagdag niya sa isip habang mabilis na inabot ang baso ng tubig at kunwari ay naging abala sa pag-inom.Hindi niya kayang tingnan nang diretso si Nanay Pasha dahil alam niyang kapag nagpatuloy pa ang matanda sa pagkukulit, tiyak na lalo lamang siyang mapapahiya. Samantala, bahagyang napangiti si Nanay Pasha habang tila sinasadyang huwag nang magsalita, ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang pang-aasar. Si Kreivor naman ay abalang kumakain at walang kamalay-malay sa pinag-uusapan ng dalawang babae.“Hindi ko naman tinatanong kung sino ang gumawa niyan,” natatawang sambit ni Nanay Pasha habang inaayos ang plato sa harapan ni Kristine. “Pero kung sakaling gusto mong ikuwento sa akin, makikinig naman ako,” dagdag nito na may makahulugang ngiti. “W-Wala namang may gawan nito ‘Nay Pasha.” mabilis na sagot ni Kristine habang halos mabilaukan sa kina
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-27 อ่านเพิ่มเติม