"Well... regarding to that, ikaw na ang magdedesisyon," sabi lang niya sa 'kin."Huh? Bakit ako?" tanong ko naman."E bakit? Kapag sinabi ko ba'ng sundin mo siya, gagawin mo ba? Hindi rin naman, 'di ba?"May point naman siya."Nahihirapan talaga ako, e. Hindi ko na alam ang gagawin ko...""Well, if hindi mo naman kaya, pwede kang mag-quit. Kaso kapag nangyari 'yon, siguradong magwawala si Kuya Rommel at magagalit din sa 'yo sina Mommy and Daddy. Baka makonsensya ka pa kapag may nangyaring hindi maganda sa Kuya ko. So ikaw, ano ba ang desisyon mo?"Paano ako makakasagot kung gan'yan naman ang sinasabi niya sa 'kin? Masyado akong pinahihirapan ni Camille, e!"I-Itutuloy ko na lang..." sambit ko dahil wala naman akong choice."Oh, e 'di tapos ang usapan. Ang mabuti pa, mag-take kayo ng bakasyon ni Kuya Rommel para naman magkaroon kayo ng bonding together, 'di ba? Isama niyo na rin si Gray para happy family," suhest
اقرأ المزيد